Bashers give up na kina Luis at Jessy
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2017 - 12:00am

Kung dati ay panay bashing ang tinatanggap ng magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola, big­lang nanahimik at parang tinanggap na ng mga ayaw sa kanila ang ipinaglabang relasyon ng dalawa. Tinanggap na ng kanilang bashers ang ka­nilang pag­katalo. Paano mo nga ba naman lalabanan ang napaka-open na pag­mamahalan ng dalawa na kahit sa Japan ay ipinakikita ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

Hiling lang ng mga lumambot na ang puso sa kanila na sana ang magandang relasyon nila ay isang relasyon na mauuwi na sa altar.

Jaclyn dawit sa petisyon ni Jake

Sayang dahil kung kailan lumamig na ang sumbatan sa pagitan nina Andi Eigen­mann at Jake Ejercito at saka pa sila hu­mantong sa korte dahil sa paghahabol ng pormal na visiting rights ng binata sa ka­nilang anak na si Ellie. Obvious na sa pa­litan nila ng tweets sa social media ay malaki pa ang hinanakit ni Andi sa ama ni Ellie. Pero never itong naging isyu sa pagpapahiram niya kay Ellie kay Jake.

Ang pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig na kapa­ngalan ni Jake na ang second name ay Emilio sa katauhan ni Emilio Arambulo ay hindi sapat para mabura lahat ng hindi magagandang alala niya rito.

Teka, baka naman ang lola ni Ellie na si Jaclyn Jose ang ayaw ipahiram ang apo sa lalaking matagal bago kinilala ang kanyang anak kay Andi?

Kris nilalapitan na ng suwerte!

Mawawala na ang atensyon kay QC Mayor Herbert Bautista sa pagkakaugnay ni Kris Aquino kay Renan Morales, dating car racer at anak ng prod­yuser ng kanyang travel show na Trip Ni Kris. Kaya namang magprodyus ni Kris ng sarili niyang TV show, pero bakit kaya kinaila­ngan pa siyang ipag-prodyus ni Doray Morales para makabalik siya ng TV?

Kung ang bago niyang pag-ibig ang resulta ng ma­gandang samahan nina Kris at Gng. Doray Morales, aba marahil ay itinakda ng kapalaran silang da­la­wa ni Renan. May bago nang programa si Kris, may bago pang lovelife. Tila nilalapitan na siya ng suwerte.

Arra umiiwas na sa social media

Lumamig din ang isyu sa pagitan ni Arra San Agustin at ng mga mas sikat na Kapuso artist na mukhang naapektuhan sa biglang pagkakaloob sa kanya ng GMA ng isang napakahalagang role sa Encantadia. Bago ito, napapanood na siya sa Bubble Gang at Meant To Be, pero ngayon lang nagalit ang fans sa kanya.

Nadagdag pa sa isyu ang pagkakabigay sa kanya ng role ng nawalang si Kylie Padilla dahil sa pagbubuntis nito. Hindi mismong ang Reyna Amihan ni Kylie ang namana niyang role kundi ang isang reincarnation.

Kasalukuyan siyang iniintriga at ginagawang kontrabida sa relasyong Ruru Madrid at Gabbi Garcia pero, iwas muna siyang magpaligaw matapos silang maghiwalay ng boyfriend niya ng apat na taon na si Thomas Torres, isang sikat ma basketbolista ng La Salle.

BASHERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with