Andi Eigenmann
Andi biglang kambyo, gusto nang makipag-ayos kay Jake!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2017 - 12:00am

Sumikat na singer karelasyon daw ang tibong manager!

PIK: Gustong bumalik sa showbiz ng dating magaling na singer na si John Melo. Siya ang nagpasikat noong 90s ng mga awiting Hanap Hanap Kita, Ikaw Pala ang Minamahal, Magtiwala Ka at nahirang na Best New Male Artist sa Awit Awards taong 1993.

Isang successful dentist at realtor na nga­yon si John sa Amerika. Kahit may dalawang branches ang kanyang clinic na Gorgeous Smile sa Newark, New Jersey at San Jose, California, hinahanap pa rin niya ang pagkanta.

Balak niyang magkaroon ng mini-concert sa taong ito para mabuhay niya uli ang mga pinasikat na awitin na puwedeng-puwedeng i-revive.

Gusto rin niyang tulungang i-launch ang singing career ng pamangkin niyang si Chris Melo Saturnino na balak i-revive ang isa pa niyang awiting Mahal na Mahal Kita.

PAK: Nagulat kami nang ibulong ng isang kaibigan na natsitsismis pala ang magaling na female singer sa kanyang manager. Hindi naman kasi namin knows na tibo pala ang manager niya na mabait namang kausap kapag nag-i-inquire kami ng possible raket para sa kanyang alaga.

Sinunod ni female si­nger ang desisyon ng kanyang manager na lumipat na ng home studio dahil gusto raw nitong siya na ang humawak ng kanyang career at hindi pakikialaman ng network.

Gumanda naman lalo ang career ni singer, pero kasabay nito ay ang lumu­lutang na tsismis na may relasyon nga sila ng kanyang manager.

Parang ayaw pa naming maniwala sa tsismis na nakarating. Keber ba namin, mas masaya naman kasi ngayon ang female singer dahil lalong bumong­ga ang kanyang singing career.

BOOM: Mahaba ang litanya ni Andi Eigenmann sa isyung pagsumite ni Jake Ejercito ng petition para sa joint custody sa kanilang anak na si Ellie.

Nagsalita ang Kapamilya actress sa presscon ng The Greatest Love at maayos niyang nailahad ang kanyang panig sa isyung ito.

 “Before anything else, do you really think that exposing her to this kind of limelight, to this kind of…parang ka-cheapan will be good for her?

“Kasi if this is not for your ego, for your pride or I don’t know ‘di ba?

“If this is not for that out of spite just because you just hate me so much.

“If this is really…because you love your daughter, and you want the best for her.

“I also want that agreement. I also want that child custody and for him to be a part of Ellie’s life.

“Bakit kailangan idaan  pa sa paninira o ilagl­ag ‘yung ina o hilahin siyang pababa. Bakit kailangang ilabas pa? Bakit kailangan pang isali ang lahat ng tao na you know ‘di ba this is what ruined everything?

“To publish all that publicities and misconception between both parties. Hindi naman ako nagpapanggap na victim eh,” mahabang litanya ng aktres.

Alam daw niyang kayang gawin ito ni Jake dahil sa impluwensya niya, pero sana napag-usapan naman daw nila ito nang maayos.

“I understand they’re powerful, they’re wealthy.

“They can solve anything to more complicated stuff. Pero ‘yung akin, alam n’yo kung nag-communicate lang sana tayo.

“Marami tayong misunderstandings kasi hindi tayo nag-uusap,” dagdag na paha­yag ng young actress.

Willing naman daw makipag-usap si Andi alang-alang sa kanilang anak.

JOHN MELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with