TV special ni Kris nakadepende sa rating ang kapalaran!
TV special ni Kris nakadepende sa rating ang kapalaran!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2017 - 12:00am

Gusto kong maging successful ang Trip Ni Kris para ganahan si Rhodora “Doray” Morales na mag-produce ng mga television show.

Ang Trip Ni Kris ang television special ni Kris  Aquino at si Mama Doray ang produ.

Kapag mataas ang rating ng show ni Kris, maeengganyo si Mama Doray na mag-produce uli at kung mangyayari ito, marami ang mabibigyan ng trabaho sa television industry.

Sumabak si Mama Doray sa isang negosyo na kulang ang kanyang knowledge dahil gusto lang niya na mapanood uli si Kris sa TV.

Huli na nang malaman ni Mama Doray na puwede itong kumita ng pera at babalik ang puhunan niya kaya nag-hire siya ng isang tao na mahusay sa marketing.

Orig cast ng Encantadia nag-reunion

Nag-reunion sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes ang original cast ng Encantadia, sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri, at Congressman Alfred Vargas.

Bihira nang magsama-sama ang lima dahil contract stars ng ABS-CBN sina Karylle, at Iza at mapapanood sa mga programa ng GMA-7 sina Sunshine, Diana, at Alfred.

Magkakapareho ang komento ng loyal fans ng Encantadia, nami-miss nila ang original cast ng kanilang favorite telefantasya at may request sila na mapanood uli sa isang teleserye o pelikula sina Diana, Alfred, Sunshine, Iza at Karylle.

Magkaklase sa Philosophy class noong college sina Karylle at Alfred kaya classmate ang tawag nila sa isa’t isa.

Parehong nag-aral sina Alfred at Karylle sa Ate­neo de Manila University kaya nagkagulatan sila nang magkasama sa Encantadia noong 2005.

Ipinagmamalaki ni Karylle sa kanyang mga kaibigan ang mga achievement ni Alfred na malayo na ang narating mula sa pagiging aktor hanggang maging konsehal ng Quezon City at house representative ng District V.

“I’m so proud of you. I always tell everyone that I’m so proud of all the good work you do for our community,” ang sabi ni Karylle na sinagot ni Alfred ng “Hindi ka nagbago. Still the same down-to-earth and sincere pretty lady I’ve known since college. Thank you for your kind words. Nakaka-inspire to do better. We should have longer conversations….”

Lhar Santiago dapat bigyan ng seminar ang mga ‘namumulot’ na writer

Dapat mag-seminar kay Lhar Santiago ang nagsusulat ng entertainment news sa website ng GMA-7 para marami silang matutunan sa propesyon na kanilang pinasok.

Kahit hindi ako nagbabasa sa online news, may nagkuwento sa akin na kailangan nilang magsipag para makumpleto ang impormasyon nilang isinusulat.

Ang sabi ng aking spy, namumulot na lang ang writer(s) ng GMA News Online sa mga social media account ng mga artista.

At halimbawa ay kung nag-effort daw ang writer ng GMA News Online tungkol sa reunion ng Encantadia stars, malalaman at maibabalita niya na ginanap sa bahay ni Mark sa Taguig City ang birthday dinner noong Sabado. At masasabi rin daw ng writer ang exact age ni Mark.

NAKADEPENDE SA RATING ANG KAPALARAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with