Vice nababaliw sa Korean Pop star!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

Kahit hindi na si Pia Wurtzbach ang Miss Universe, patuloy pa rin ito sa kanyang kampanya para sa turismo ng Pilipinas. Ang isa pang nakakatuwang personalidad na naghihikayat sa mga turista ng Korea na bumisita sa iba’t ibang magagandang lugar ng Pilipinas ay ang Korean K-Pop star na si Sandara Park.

Although 100% Korean at wala ni katiting sa pagiging Filipino si Sandara, sobra siyang napamahal sa ating bansa dahil matagal siyang namirmihan dito with her family at kung saan din siya unang nabigyan ng break sa showbiz.

Dapat sigurong gawing Tourism Ambassador si Sandara ng Dept. of Tourism (DoT) dahil malaki ang maitutulong nito para dumami pa ang turista sa bansa.

Speaking of Sandara, kahit matagal na itong bumalik ng Korea, hinding-hindi pa rin nito nakakalimutan ang nagawa sa kanya ng Star Magic at ng ABS-CBN hanggang ngayon pati ang mainit na pagtanggap sa kanya ng TV network maging ng kanyang Filipino fans.

Tuwang-tuwa ito nang maging isa siya sa mga hurado ng Pinoy Boyband Supertar kung saan niya nakasama sina Vice Ganda, Aga Muhlach, at Yeng Constantino at looking forward pa rin siya na sana’y makapag-judge pa rin siya sa susunod na pagkakataon.

Still on Sandara, ito ang gumawa ng paraan na makuha ang video message ng isa sa mga bida ng tumatakbong Koreanovela sa Dos, ang Love in the Moonlight na si Jinyoung ng birthday message kay Vice Ganda na isa sa sumusubaybay ng nasabing Koreanovela.

Gusto umano ni Jinyoung na mag-guest sa Gandang Gabi Vice, bagay na ikinatuwa ng TV host-comedian at concert star.

Si Jinyoung ay isa sa mga miyembro ng K-Pop group na B1A4 na kamakailan lamang nag-concert sa Pilipinas.

Ano kaya’t sa susunod na major concert ni Vice Ganda ay kunin niyang guest sina Sandara at Jinyoung?

Paolo tuluy-tuloy ang swerte

Masayang-masaya ang isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros dahil sa patuloy na pagganda ng takbo ng kanyang career matapos niyang gawin ang Die Beautiful movie na dinirek ni Jun Lana at naging kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nakapagbigay sa kanya ng Best Actor trophy sa nasabing filmfest at maging sa Tokyo International Film Festival.

Si Paolo ay may bagong movie na gagawin sa bakuran ng Regal Films na pagsasamahan nila ni Derek Ramsay, ang “kapatid” niya sa kuwadra ni Joji Dingcong.

PIA WURTZBACH
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with