Sofia inaayos ang pananagalog para makaarte!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2017 - 12:00am

Very confident ang big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario na malayo ang mararating ng panganay na anak ni dating mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez at ang actress-singer-turned politician na si Cristina “Kring-Kring Gonzalez-Romualdez na si Sofia Gonza­lez.

Naka-upload na sa YouTube ang debut single and music video ni Sofia under Viva Records, ang Pikit-Mata.

Dahil Inglesira, pina-polish ngayon ni Sofia ang kanyang Tagalog in preparation naman sa kanyang acting job in the future.

“Singing talaga ang passion ko, but Boss Vic (del Rosario) told me to try ac­ting din para hindi ako malimitahan sa pwede kong gawin,” ani Sofia na isasailalim na rin ng acting and dancing  workshop sa bakuran ng Viva.

“I also wanted to try hosting,” pahabol pa ni Sofia.

Mga anak ni Gabby parang hindi na magkaka-iba ang ina

At 52, napakasopistikado pa rin ng dating ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion who has five beautiful daughters sa tatlong magkakaibang babae na naging bahagi ng kanyang buhay.

Si KC Concepcion ang panganay niyang anak sa ex-wife na si Sharon Cuneta. Sumunod si Gabrielle or Garie sa ex-GF niyang si Grace Ibuna.  May isa rin siyang anak na si Chloe sa second ex-wife niyang si Jenny Syquia habang may dalawa siyang anak na babae sa kanyang third and present wife na si Genevieve Yatco Gonzales, sina Samantha at Savannah.

Except sa kanyang two daughters sa present wife, ang tatlong mas nakatatandang mga anak ni Gabby ay hindi lumaki sa kanya. Pero ang maganda, close siya sa mga ito ngayon at may kinalaman dito ang panganay niyang anak dahil siya talaga ang gumawa ng paraan na maging close silang magkakapatid.

Ang 13 years na pamamalagi ni Gabby sa Amerika ay isa rin sa naging dahilan noon kung bakit hindi niya nakasama ang kanyang mga anak na sina KC, Garie at Chloe.  Pero gumawa ng paraan noon si KC na dalawin ang ama sa Amerika nu’ng siya’y nag-aaral pa sa college in Paris.

Nang sumakabilang-buhay ang ama ni Gabby na si G. Rollie Concepcion in 2008, sa burol ng kanilang lolo unang nagkita at nagkakilala ang half-sisters na sina KC at Garie. Since then ay naging constant na ang communication ng magkapatid at madalas na rin silang magkita with their dad.

Samantala, despite his age being a Golden Boy, nabibigyan pa rin si Gabby ng pagkakataon to work with much younger leading ladies.

Si Gabby ay busy ngayon sa TV series ng GMA, ang Ika-6 na Utos with Sunshine Dizon, isa sa mga top-rating programs ng Kapuso Network.

VIC DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with