Senators Manny, Gringo, Sonny, at JV nakipaglaro sa mga bata
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2017 - 12:00am

Siguradong marami ang tele­viewers na tumutok sa Jackpot en Poy game segment ng Eat Bulaga kahapon dahil hindi lamang mga basta-basta ang naging participants/contestants dito kundi apat na magi­giting na senador – sina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Gringo Honasan, Sen. Sonny Angara, at si Sen. JV Ejercito. Sa apat na team, si Sen. Pacquiao ang nanalo sa preliminary round.

Sa final rounds, unang pinili ni Sen. Pacquiao si Baeby Baste na may dalang P10,000. Pero tinalo ni Baeby Baste si Sen. Pacquiao sa kanilang unang laban. Sumunod ay pinili ng Pambasang Kamao si Maine Mendoza na dala naman ang correspon­ding P50,000. Natalo si Maine. Ang pangatlo at last na pinili ni Sen. Manny ay si Taki with P10,000 at nanalo ang senador ng GenSan.

Hindi nakuha ni Sen. Manny ang jackpot prize na P100,000 pero na­nalo siya ng total na P70,000 na kanya namang ibinahagi sa audience

Rocco masaya sa closure kay Lovi

Masaya ang 30-year-old Starstruck alumnus na si Rocco Nacino dahil nagkaroon na ng closure ang break-up nila ng kanyang ex-girlfriend of two years na si Lovi Poe. Nangyari ito recently nang makapag-usap ang dala­wa sa restaurant ni Gabby Eigenmann sa Ortigas Cen­ter in Pasig, ang Stockfile kung saan nagkaroon ng reunion ang cast ng Beautiful Strangers.

Matapos ang seryosong pag-uusap nina Lovi at Rocco ay gumaan pareho ang pakiramdam nila.  It was Rocco who initiated na makapag-usap sila ni Lovi dahil wala umanong closure ang kanilang break-up.

Leila kuntento kay Regine

Masuwerte ang panganay na anak ng singer-compo­ser-comedian na si Ogie Alcasid sa kanyang ex-wife na si Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid (19) dahil nariyan ang kanyang step-mom na si Regine Velasquez who treats her just like her own daughter.

Mahal na mahal ni Leila ang kanyang step-mom na mas lalong nagpadali sa kanyang pananatili rito sa Pilipinas.

Although malayo ngayon si Leila sa kanyang ina at nakababatang kapatid na si Sarah, napupunuan naman ang kanyang pa­ngu­ngulila sa mga ito dahil bukod sa kapiling niya ang kanyang dad at step-mom na si Regine, nariyan ang kanyang kid brother na si Nate na super close sa kanya.

 

SENATORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with