^

PSN Showbiz

Baste puro babae raw ang raket!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA. Philippines - Makatulong kaya sa travel show ni Baste Duterte ang ‘pang-ookray’ na naman sa kanya ng amang si President Duterte?

Kahapon ay niyari na naman ng presidente ang anak. Puro babae raw ang pinagkakaabalahan nito sa kasalukuyan. “‘Yang si Sebastian walang ginawa kundi maghanap ng babae,” ani ng pangulo na ikinaaliw ng mga dumalo sa Philippine National Police Academy (PNPA) graduation rites at Camp General Mariano in Silang, Cavite. 

Gusto na lang daw niya itong ipabugbog sa Philippine Military Academy (PMA).

Raket daw ng anak ang babae at artista na rin ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinuku-buko ng presidente ang pinagkakaabalahan ng anak.

Hahaha. Siguro naman wala si Baste sa piling ni Ellen Adarna.

FDCP at SM nag-partner para sa Indie Films!

May tiyak nang pagpapalabasan ang mga indie films na hindi nabibigyan ng mga sinehan para sa commercial exhibition.

Kahapon ay pormal nang nagkaroon ng media launching ang partnership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) and SM Cinema para sa Cine Lokal.

Ipalalabas sa Cine Lokal ang mga independent, award winning films at ibang programa ng FDCP na pinamumunuan ni Ms. Liza Diño bilang Chairperson and CEO sa walong SM Cinemas sa bansa – SM Megamall, SM North EDSA, SM Fairview, SM Iloilo, SM Southmall, SM Cebu, SM Bacoor, and SM Mall of Asia.

“Cine Lokal’s goal is two-fold: one, to provide independent filmma­kers with a commercial venue for their films, thereby strengthening their experience and training on film marketing and distribution, and two, to create a culture of support and viewership among Filipinos. This will benefit our up and coming filmmakers and producers to be oriented and appreciate how films are distributed and marketed in the country,” pahayag ni FDCP Chair and CEO Liza kahapon ng formal announcement ng kanilang partnership.

Three years ang pinirmahan nilang kontrata.

At hindi lang independent and regional films ang mapapanood sa Cine Lokal, magpapalabas din ng mga foreign films na award winning at karaniwang limited lang ang pagpapalabas sa mga sinehan.

“We hope that through Cinel Lokal, we will further be developing film literacy and appreciation among our audience.

 “Cine Lokal will certainly open doors for a lot of our stakeholders and we cannot thank SM Cinema enough for their incredible partnership. In addition to this program, we are also proud to announce that we are also partnering with SM’s Blink, their video on demand service that will provide our independent and regional filmmakers an additional platform to reach more audience. In short, there’s a lot to look forward to this year,” dagdag pa ni Chair Liza sa kanyang speech kahapon.

Nakatakdang mag-umpisa ang Cine Lokal sa April 19 na may theme na Salve.

At kabilang sa mga unang mapapanood ang mga pelikulang Spotlight (foreign), Himala, Iadya Mo Kami, at Of Sinners and Saints.

Ito ay bilang pakikiisa na rin sa paggunita ng Mahal na Araw.

“In light of the Lenten Season, Salve Pelikula films will be featuring these films, both secular and religious in nature, which will encourage the audience to evaluate and appreciate the concepts of faith and human nature,” banggit pa ni Ms. Liza.

Sinabi naman ni Mr. SM Lifestyle Entertainment, Inc. (SMLEI) President Edgar Tejerero na sa tulong ng FDCP magkakaroon sila ng chance na mag-expand ng mga ipalalabas na pelikula para maka-invite and attract new set of audience. “Cine Lokal brings SM Cinema closer to its goal of becoming not only the largest, but the most diverse film exhibitor in the country,” pahayag nito.

Pangako ni Mr. Tejerero walang pull out at may programming ang mga ipalalabas.

At one week tatagal ang pelikula kaya may chance ang lahat na mapanood ito.

At ang hatian ng kita: 50% sa producer, 40% sa SM, and 10% sa FDCP for processing.

Mahigpit ang SM pagdating sa indie kaya nagbubunyi ang mga indie producers sa sinimulang proyekto ni Ms. Liza.

BASTE DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with