Inah hindi nakakaramdam ng pagod dahil kay Jake
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2017 - 12:00am

Wala si Jake Vargas sa taping ng Encantadia nang bumisita kami kaya ang GF na si Inah de Belen ang solo na sumagot sa mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Noong una ay ayaw pang umamin ni Inah, hindi niya alam na umamin na pala raw si Jake sa isang kaibigan at may nakausap din kami na kinumpirma ang relasyon nilang dalawa.

Ayun, umamin din si Inah at ang hindi lang inamin ay ang sinasabing four months na niyang boyfriend si Jake. Hindi man sinabi, isa si Jake sa inspirasyon niya sa trabaho, kaya kahit puyat at pagod, hindi niya maramdaman.

Anyway, nakilala na ng mom niyang si Janice de Belen at sisters niya si Jake. Next week na raw makikilala ni Jake ang ama niyang si John Estrada. On Jake’s side, nakilala na nito ang sister at father ng aktor nang mag-taping sila sa Olongapo.

Piolo nanaway ng maingay na reporter

Ang cute ni Piolo Pascual sa presscon ng Nor­thern Lights: A Journey To Love nang sawayin niya ang ilang maingay na reporter. Ito ‘yung time na nilili­naw ng aktor ang tungkol sa video nila ng anak na si Inigo Pascual. Eh, maingay ang mga reporter, kaya sinaway niya. Nakinig naman sa kanya ang press people at tumahimik.

Narinig pa ng press ang comment ni Piolo na hindi siya makapaniwala na siya pa ang nag-open sa isyu ng video nila ni Inigo. Pero maganda na rin na ga­ling sa kanya ang paglilinaw dahil pagkatapos noon, tapos na ang isyu.

Showing na sa March 29 ang Northern Lights kung saan naka-relate si Piolo dahil tungkol ito sa istorya ng mag-ama. Okay na sila ng anak nang umuwi ito ng Pilipinas. Ang problema lang ni Piolo, hindi pa rin sila madalas magkita ng anak dahil may sarili na itong buhay, may career na rin, at mas busy pa sa kanya.

Isa si Piolo sa producer ng movie via his Spring Films with Regal Entertainment at Star Cinema. Kinuwento nitong na-touch siya nang sabihan nina Mother Lily at Roselle Monteverde na ‘wag magpa-pressure sa box office gross ng Northern Lights. Pero ayaw papigil ni Piolo sa pagpo-promote at ang dami niyang schedule ng mall show.

Janine nadagdagan ang endorsement

May bago na namang endoserment si Janine Gutierrez dahil kasama siya sa new ambassadors ng Magnum Ice Cream together with Sarah Lahbati and Raymond Gutierrez. Nagkaroon ito ng launching noong isang gabi.

May kasunod pang endorsement si Janine kasama ang inang si Lotlot de Leon na gamit naman sa pagluluto.

Wala ngang time si Janine para malungkot dahil kapalit ng pagiging loveless ang magandang takbo ng kanyang career. Maganda ang ratings at feedback ng Legally Blind at balita namin, sa July ay lilipad sila ni Ken Chan sa Japan para mag-shot ng Day Off.

Meg Imperial nasa GMA!

Lumipat na ba sa GMA 7 si Meg Imperial? Ito ang tanong ng mga nakapanood ng teaser ng new Afternoon soap na D’ Originals dahil kasama si Meg sa cast. May confrontation scene sila ni Kim Domingo at maganda ang palitan nila ng dialogue na tungkol sa fake at original.

Ang alam namin, under Viva Artist Agency si Meg at malamang, habang wala pa siyang project sa ABS-CBN, inilagay muna siya ng VAA sa GMA 7. Ang real score ay malalaman natin sa presscon ng D’ Originals na afternoon ang time slot.

Under GMA News and Public Affairs ang D’ Originals sa direction ni Adolf Alix, Jr. Nag-react ang mga nakakita sa poster ba ‘yun ng cast na nakahiga at natatakpan sila ng red blanket. Parang ginaya raw ang concept sa music video ni Kanye West sa song nitong Famous. 

JAKE VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with