Lorna may problema sa pagtibok ng puso
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2017 - 12:00am

Walang dapat ikabahala ang mga nagmamahal kay Lorna Tolentino dahil iniingatan nitong mabuti ang sarili matapos madiskubre ng kanyang doktor na mabilis ang tibok ng puso niya.

Paroxysmal atrial tachycardia ang tawag sa mabilis na pagtibok ng puso ni LT.

Stranger sa pandinig ko ang Paroxsymal Atrial Tachycardia (PAT) kaya nagpa-research ako para makumpleto ang kaalaman ko at ng dear PSN readers.

Ito ang nalaman ko mula sa Healthline website tungkol sa PAT na hindi naman pala life-threatening.

“PAT is a type of arrhythmia (irregular heartbeat). Paroxysmal means that the episode of arrhythmia begins and ends abruptly. Atrial means that arrhythmia starts in the atria or upper chambers of your heart. Tachycardia means that the heart is beating abnormally fast. Paroxysmal atrial tachycardia (PAT) is also known as paroxysmal supraventricular tachycardia (PSVT).

“PAT can cause an adult’s heart rate to increase from between 60 and 100 beats per minute to between 130 and 230 beats per minute. Infants and children normally have higher heart rates than adults, with between 100 and 130 beats per minute.

“When an infant or child has PAT, their heart rate will be greater than 220 beats per minute. PAT is the most common form of tachycardia in infants and children. In most cases this condition isn’t life-threatening. However, it’s uncomfortable and can be alarming.”

Pintor na may kapansanan papasang artista!

Ginulat ni Erwin Dayrit ang viewers ng Magpakailanman dahil marunong siyang umarte. The who si Erwin? Siya ang artist na may kapansanan na “osteogenesis imperfecta,” ang sakit na dahilan ng hindi niya paglaki at pagrupok ng mga buto niya.

Kahit hindi normal, may talent si Erwin sa pagguhit kaya nakilala siya at isinadula ng Magpakailanman ang life story niya.

Hindi na naghanap ng ibang aktor ang staff ng Magpakailanman dahil ginampanan ni Erwin ang sarili sa episode na may pamagat na Abot-Kamay ang Pangarap.

First time ni Erwin na umarte at marami ang nabigla dahil natural actor siya. Kung kinabahan man si Erwin, hindi halata dahil gamay na gamay niya ang pag-arte.

Hindi siya conscious sa harap ng kamera at malinaw na malinaw ang pagbibitaw niya ng mga linya. Nagkaroon tuloy ng hinala ang televiewers na may secret dream si Erwin na maging artista dahil sa pagpapakitang-gilas niya sa Magpakailanman.

Binigyan ni Erwin ang Magpakailanman host na si Mel Tiangco ng artwork niya. Tuwang-tuwa si Mama Mel dahil kopyang-kopya ni Erwin ang itsura niya.

Regine nagulat sa boses ni Mahal

Hindi ako sure kung pareho ng karamdaman sina Erwin at Mahal na napanood naman sa Full House Tonight noong Sabado.

Gaya ni Erwin, may growth problem si Mahal pero hindi man ito lumaki, normal na normal si Mahal na hindi nawawalan ng lovelife at marunong gumawa ng gimik para mapag-usapan siya.

Magkasunod na napanood noong Sabado ang Magpakailanman at ang Full House Tonight kaya natandaan ng manonood ang guestings nina Erwin at Mahal.

Walang takot na nakipag-duet si Mahal kay Regine Velasquez. Live na kinanta ng dalawa ang Tell Him. Naloka si Regine dahil walang effort na natalbugan ng sintunado na pagkanta ni Mahal ang performance niya.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with