Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ibabalik
(Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Muling magkakaroon ng Aliwan Fies­ta Shoppers Bazaar sa ika-20 hanggang ika-22 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t-ibang pro­duktong galing sa mga lalawigan - ma­ging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas, at kakanin, o kahit gamit sa bahay. 

Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Product” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 0917.866.3973 / 0917.865.8699 / landline 832.3249.  

Alamin ang karagdagang detalye ukol sa Aliwan Fiesta sa website na http://www.aliwanfiesta.com.ph

ALIWAN FIES­TA SHOPPERS BAZAAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with