Ellen nambiktima ng mga foreigner sa sikat na hotel!; Jolo binura na si Jodi sa IG!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2017 - 12:00am

PIK: May ilang nagtatanong kung bakit ginawang Northern Lights: A Journey To Love na ang title ng pelikula ng Regal Films movie na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. Dating Once in a Lifetime ang title nito, pero pinalitan na tingin namin ay pinakialaman ng Star Cinema.

Nasa setting kasi ng pelikula na pumunta sila ng Alaska at nasaksihan ang Northern Lights. Pero hindi naman mismong sa Alaska nag-shoot kundi sa New Zealand na wala namang Northern Lights.

Kaya sa interviews ng mga bida, sinasabi nilang gusto pa rin nilang makita ang totoong Northern Lights. Nasa bucket list daw ito ni Yen na sana ay mangyari raw.

Excited si Piolo sa pelikulang ito, dahil first time niyang makatrabaho si Yen at very raw pa raw ito kung ikumpara sa mga naging leading lady niya.

“Ang sarap niya katrabaho kasi hindi siya natatakot i-tackle yung mga emotional scenes, ‘yung mga heavy scenes,” pahayag ni Piolo Pascual. Sa March 29 na raw ang showing ng Northern Lights.

PAK: Nagulantang ang mga foreigner sa City of Dreams nung nakaraang linggo nang mag-pictorial doon si Ellen Adarna.

Sa isang parking lot sa likod ang venue ang pictorial, pero inayusan siya sa isang function room sa 5th floor ng naturang hotel.

Medyo sexy ang pictorial sa isang magazine na kung saan seksing lingerie lang ang suot ni Ellen.

Nang binihisan at inayusan daw ito sa 5th floor, isinakay na siya ng elevator pababa. Pinagsuot ito ng robe para matakpan ang sexy lingerie na suot nito.

Nang nasa elevator siya, binuksan niya ang robe kaya kitang-kita ang katawan niya sa lingerie na suot nito. Pagbukas ng elevator, mga foreigners na karamihang nag-aabang sa baba para sumakay ang nadatnan niya. Gulat na gulat sila pagbukas ng elevator na ang seksing Ellen Adarna ang tumambad sa kanila. Hindi nila kilala ang seksing aktres, pero parang napatulala raw sila na isang maganda at seksing babae ang sumalubong sa kanila.

Tawa raw nang tawa si Ellen sa ginawa niyang panggulat sa mga foreigner sa naturang hotel.

BOOM: Nag-celebrate ang Cavite Vice Gover­nor Jolo Revilla ng kanyang 29th birthday kahapon.

Hindi na raw siya maghanda dahil okay na sa kanya na nakasama niya ang kanyang pamilya.

Sa halip na magpa-party, naghanda si Jolo ng breakfast sa isang libong bata sa ilang day care centers sa Bacoor. Masaya na raw siyang makakasama niya ang mga taga-Cavite sa kanyang kaarawan.

Hindi kami sinagot ni Jolo kung may pa-birthday message na ba sa kanya si Jodi Sta. Maria.

Nakaka-intriga lang na tinanggal na niya ang kanyang Instagram account. Nabura na roon ang mga kuha nila ni Jodi, at sinabi na lang niya sa a­ming baka hindi na raw siya magbubukas uli ng sariling Instagram account.

Nakakaintriga rin ang mensahe ni Mayor Lani Mercado sa kanya na sana raw ay makakita si Jolo ng babaeng nararapat para sa kanya, para makapagbigay ng inspirasyon sa lahat na mga ginagawa niya.

Tinanong namin si Jolo kung ano naman ang wish niya para sa kanyang kaarawan; “happiness,” tipid na sagot niya sa amin.

PIK PAK BOOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with