Aktor naalarma na, gustong bawiin ang pagka-in love sa ka-love team
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2017 - 12:00am

Hindi nakakatulong sa career ng aktor ang tsismis na may relasyon sila ng kanyang kapareha sa isang show sa telebisyon dahil Leni Robredo pa rin ang ratings nito. Leni Robredo as in laylay.

Pilit na pilit kasi ang pag-uugnay sa aktor at aktres. Mas marami rin ang naniniwala na for publicity lang ang kiyeme-kiyemeng balita na in love ang dalawa sa isa’t isa.

Naaalarma na ang kampo ng aktor sa resulta ng ratings ng show nila ng aktres. Iniisip ng mga adviser ng aktor na dahan-dahan nang tsugihin ang balita na may relasyon sila ng aktres dahil hindi ito nakakatulong sa career ng mhin.

Kylie bundat na bundat na

Malaki na ang tiyan ni Kylie Padilla nang ma-sight siya sa celebrity screening ng Beauty and the Beast noong Lunes.

Black blouse ang suot ni Kylie pero halatang-halata na ang ipinagbubuntis niya. Limang buwan na ang baby boy na dinadala ni Kylie sa kanyang sinapupunan.

Kasama ni Kylie na nanood ng Beauty and the Beast ang mga dating kasamahan sa Encantadia na missed na missed niya.

Cesar pinaiimbestigahan ni Sen. Nancy

Si Senator Nancy Binay ang chair ng Senate tourism committee kaya nag-file siya ng Senate Resolution No. 326 para imbestigahan ng Blue Ribbon committee ang mga reklamo ng anonymous employees ng Tourism Promotions Board laban kay Cesar Montano, ang chief operating officer ng nasabing ahensya.

“It is imperative that we look into the complaints against Mr. Montano. He is leading an agency tasked with domestic and international promotions of the Department of Tourism. As such, he must act with the protection of the image of the TPB and the government in mind at all times,” ang sey ni Mama Nancy sa statement na inilabas niya.

Sinabi rin ng lady senator na “Congress is accountable in reviewing the laws on graft and corruption and should ensure that malfeasance, misfeasance and charges of graft and corruption in the government are immediately addressed. As public interest, the transparency of the transactions should be disclosed to satisfy the public’s Constitutional right to information.”

Sa pagkakaalam ko, nagkausap na sina Cesar at President Rodrigo Duterte tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng aktor.

Handa raw si Cesar na sagutin ng punto por punto ang mga alegasyon laban sa kanya ng mga hindi pa nagpapakilala na empleyado ng Tourism Promotions Board at kung totoo ito, walang reason para hindi siya sumipot sa senate hearing na isinusulong ni Mama Nancy.

Melanie at anak na si Michelle DeE  kinaaliwan sa Pinoy Henyo

Naaliw kay Melanie Marquez ang viewers ng Eat Bulaga dahil sa mga eksena niya kahapon sa Pinoy Henyo.

Kasama ni Melanie na naglaro ang kanyang pretty daughter na si Michelle Dee.

Naloka pero tawang-tawa ang televiewers sa mga sagot ni Melanie sa Pinoy Henyo. May panawagan sa Eat Bulaga ang manonood na imbitahan uli ang mag-ina na maglaro sa Pinoy Henyo dahil naghatid ng saya ang dalawa.

Gandang-ganda ang Eat Bulaga viewers kay Michelle na may karapatan na sundan ang yapak ng kanyang ina bilang international model at beauty queen.

Hoping ang instant fans ni Michelle na sasali ito sa mga beauty contest dahil tiyak na malaki ang tsansa na mananalo siya.

Red Juice popular na, perfect sa lagging puyat at pagod

Nagiging popular na ang Red Juice sa mga showbiz personality dahil naranasan nila nang personal ang magandang epekto sa katawan ng health drink na nabibili sa leading drugstores nationwide.

Mabibili sa affordable price ang Red Juice kaya wish ko lang, huwag na akong kulitin ng mga nanghihingi ng sample ‘no!

Hindi ko na kasalanan kung maging addict kayo sa Red Juice dahil sa mga health benefit nito. Must try ang Red Juice ng mga artista na palaging puyat at pagod sa taping at shooting ng mga teleserye at pelikula.

TAKE IT TAKE IT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with