Kiko ayaw na rin pag-usapan si Barbie!
Kiko ayaw na rin pag-usapan si Barbie!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2017 - 12:00am

Ginaya na rin ni Kiko Estrada si Barbie Forteza na ayaw nang mag-entertain ng questions about him. Sa celebrity screening ng Regal Films’ Pwera Usog na showing pa nga­yon, nakiusap ang aktor na ‘wag na siyang tanungin about Barbie para walang isyu.

Paliwanag ni Kiko, kaya lang niya nabanggit si Barbie sa presscon ng Pwera Usog para linawin na hindi niya ito niloko at ang young actress ang nakipag-break sa kanya. After that, hindi na siya nagsalita uli tungkol kay Barbie.

Maiintindihan naman siguro ni Barbie nang mabanggit ni Kiko ang pangalan niya nang ikwento nitong takot siyang sumakay ng eroplano at nakapag-dialogue ito ng “alam ‘yan ni Barbie.”

Pagkatapos noon, buong interview nito ay walang banggit sa aktres, kaya pareho na silang matatahimik.

Ngayong naipalabas na ang Pwe­ra Usog, balik si Kiko sa pag­ha­handa sa Mulawin vs. Ravena. Ipi­nakita nito ang blisters sa kanyang mga palad dahil sa training sa arnis.

Bago at malaki raw ang role niya sa fantaserye at hindi role ni Rasmus na ginampanan ng ama niyang si Gary Estrada sa 2004 Mulawin ang papel niya.

Mike masaya para kay Ryza

Parehong winner sa batch 2 ng Starstruck sina Mike Tan at Ryza Cenon na magkasama ngayon sa Ika-6 Na Utos, pero hindi sila magkapareha. Si Ryza kay Gabby Concepcion involved ang karakter, samantalang si Mike, kay Sunshine Dizon kumampi.

Masaya si Mike para kay Ryza dahil finally, kinikilala na ang husay nito at malakas ang impact sa viewers ng karakter kahit kontrabida.

On his part, blessing kay Mike na kasama siya sa cast ng Ika-6 Na Utos na pinag-uusapan kahit saan. Madalas itanong sa kanya ang mga susunod na eksena sa teleserye na bawal sabihin, ipinaaalala na lang niya na laging subaybayan ang teleserye.

Nakuwento rin ni Mike na mas okay na sila ni Sunshine ngayon, nawala na ang ilang niya sa aktres, nakakapagkwentuhan na sila at mas lumalalim ang friendship.

Anyway, present si Mike sa mall tour ng cast ng Ika-6 Na Utos, 5pm., ngayong Sunday sa SM Center Muntinlupa. Darating din sina Gabby, Ryza, Rich Asuncion, Arianne Bautista, Marco Alcaraz at Sunshine.

MMFF meeting hindi sinipot ng maraming member

Nag-first meeting na ang bumubuo ng 2017 MMFF Execom Meeting. Pero parang hindi dumating ang lahat ng members dahil sa nakita naming picture na pinost ni Noel Ferrer na isa sa Execom member, kokonti lang sila, kumpara sa number ng members na in-email sa press people.

Sa nasabing meeting, ipina­kilala ang new MMFF Execom at kinilala ang contribution ng past MMFF Execom and Committee Members. In-announce rin na roughly P12-M ang idi-distribute sa beneficiaries ng MMFF-MOWELFUND-50 percent, Film Academy of the Philippines-20 percent, Movie Industry Anti-Piracy Organization-20 percent, Optical Media Board-5 percent, FDCP-5 percent.

Ipinaalam din na ipinadala na sa Office of the President ang Executive Order declaring the MMFF will run from December 25-January 7, 2018. Ang Muntinlupa City ang sponsor ng MMFF Parade of Stars.

Sa April 7, ang official launch ng MMFF 2017, mahaba ang panahon ng mga producer para pag­handaan ang mga pelikulang isasali nila sa film festival.

 

KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with