_ngayon
^

Yen hindi nakasagot sa interbyu dahil kay Piolo

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2017 - 11:14pm

Passport ni Sam ibinalikng mga magnanakaw!

 

SEEN: Alam ni Piolo Pascual kung papaano pakikiligin ang mga kababaihan, tinatawag niya sa tunay na pangalan ang mga babae. Matunog na Kristina ang tawag ni Piolo sa ex-girlfriend na si KC Concepcion at sa presscon ng Northern Lights, maraming beses niyang tinawag sa tunay na pangalan ang kanyang leading lady na si Yen Santos.

SCENE: Walang matinong sagot si Yen Santos sa presscon ng Northern Lights dahil tawa lang siya nang tawa at kilig na kilig kay Piolo Pascual.

SEEN: Ang paglilinaw ni Sam Milby na hindi nawala ang passport niya dahil ibinalik ito ng mga nagtangka na nakawan siya sa kanyang first time trip sa Paris.

SCENE: Ngayon ang 22nd birthday ni Maine Mendoza at nag-treat siya ng dinner para sa kanyang mga tagahanga na mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

SEEN: Ang TLC Nails, Spa, and Massage ang bagong business venture ni Djanin Cruz. Located sa Aguirre Avenue, BF Homes, Parañaque City ang negosyo ng only daughter ni Tirso Cruz III. 

SCENE: Ang binubuo na loveteam nina Ruru Madrid at Arra San Agustin sa Encantadia. Ang karakter ni Arra ang reincarnation ng Amihan character ni Kylie Padilla.

SEEN: Nawala si Danita Paner sa cast ng Wildflower ng ABS-CBN dahil tumanggi siya na paputulan ang kanyang buhok na mahaba. Si Roxanne Barcelo ang ipinalit kay Danita.

SCENE: Prettier than LJ Reyes si Benjamin Alves sa mga eksena nila sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Masyadong mahal si Benjamin ng television camera.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with