Marian kaya nang magbukas ng department store?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2017 - 12:00am

Grabe sa rami raw ng collection ng mga damit na Dolce & Gabbana ni Marian Rivera, puwede na raw itong magbukas ng sariling store ng nasabing mamahaling damit ayon sa kanyang personal shopper @loveluxebags.

Eh ang halaga ng isang pirasong damit nito, pinakamura pa ‘yun, umaabot sa P100,000 habang merong isang damit na P300,000.

Paramihan din ba ng Hermes bag, makikita rin sa kanyang account sa IG na para sa kanyang mga outfit ang mga bag na ang iba ay limited edition.

Kaya naman pati mga damit ng anak nila ni Dingdong na si Zia, branded na rin like Prada, Fendi, D&G etc.

So baka hindi lang basta store ang puwedeng buksan ni Marian, baka department store na.

Angel inilalaban ng fans sa Darna

Nagparamdam kahapon ang fans ni Angel Locsin sa Twitter. Ang sigaw nila, ?#Angel­LocsinTheOneAndOnlyDarna?.

Ito ay matapos mapabalitang si Yassi Pressman na raw ang lilipad at hindi na si Angel pero nag-deny naman si Yassi.

So si Angel pa nga kaya?

Jona may album agad-agad sa star

Ang bilis ng mga pangyayari sa career ng singer na si Jona na dating Jonalyn Viray ang ginagamit na pangalan. After a year ng pagiging Kapamilya, mapakikinggan na ang kanyang unang self-titled album sa ilalim ng Star Music.

Magmula nang tumuloy siya sa bagong tahanan niya sa ABS-CBN, lalong dumami ang tagahanga ng power belter at naging sunod-sunod din ang tagumpay sa kanyang karera. Naging interpreter sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 (Maghihintay Ako), umawit ng kanta para sa 25th anniversary compilation album ng Maalaala Mo Kaya (MMK) - Because You Loved Me, natunghayan sa kanyang kauna-unahang major solo concert bilang Kapamilya (Queen of the Night: Jona), at naging bahagi ng tinaguriang Birit Queens ng ASAP.

“Sobrang colorful ng unang taon ko sa ABS-CBN. Marami akong first time na nagawa sa career ko. At ngayon, finally, nandito na ang album ko na sobrang proud na proud ako. Masasabi kong isa itong dream come true,” ayon kay Jona sa launching ng kanyang album.

Kaabang-abang nga ang panibagong musikang handog ni Jona dahil ilang orihinal na awitin ang tampok dito gaya ng carrier single nitong Ano Nga Ba Tayo?, ang Magtibay kung saan ka-duet niya ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez,  Till the End of Time, Ano Bakit Paano, at Last Message.

Bukod sa ilang original songs, mapakikinggan din ang kanyang versions ng ilan sa pinasikat niyang TV at movie theme songs tulad ng I’ll Never Love This Way Again mula sa Barcelona: A Love Untold, You na theme song ng Star Cinema movie My Ex and Whys at Maghihintay Ako mula sa Himig Handog 2016.

Kabilang din sa track list ang tatlong bonus tracks na Ano Bakit Paano (cinematic version),  Till the End of Time  tampok ang BoyBandPH, at I’ll Never Love This Way Again kasama si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ang Jona  ay ipinrodus nina Patty Mayoralgo at Jonathan Manalo. Magiging available ang album sa lahat ng leading music stores simula March 3 (Biyernes) at pwede na rin itong i-download worldwide simula March 4 (Sabado).

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with