Rachelle Ann nagagaya na kay Lea
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2017 - 11:56pm

Mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging international stage star ni Rachelle Ann Go na kasalukuyang nasa New York City, USA para sa Broadway revival ng Miss Saigon na unang pinagbidahan ni Lea Salonga sa West End na sinundan sa Broadway.

Ginagampanan pa rin ni Rachelle Ann ang role ng bar girl na si Gigi van Tranh sa Broadway na kanyang unang  ginampanan sa West End in London.  Ito’y tatakbo ngayong Marso hanggang August this year.

Pagkatapos nito ay balik si Rachelle Ann ng London kung saan naman niya agad sisimulan ang bagong West End production ng Hamilton kung saan niya nakatakdang gampanan ang role na si Eliza Hamilton.

Dito ay makakasama rin niya ang isang Filipina stage actress na si Christine Allado na siyang gaganap sa papel ni Peggy Schuyler.

Ang Hamilton musical play ay magsisimula sa West End on November 21 sa Victoria Pa­lace Theater. Very proud si Lea Salonga sa kanyang mga kababayan who are doing well sa West End at Broadway na kanyang sinimulan noon.

Leila todo workshop

Ini-enjoy nang husto ng 19-year-old na si Leila Alcasid ang kanyang pamamalagi sa Pilipinas kasama ang kanyang popular dad (Ogie Alcasid) and equally popular step-mom na si Regine Velasquez kasama ang kanyang half-brother na si Nate.

Although sa Pilipinas ipinanganak si Leila along with her younger sister na si Sarah na naiwan sa Australia, limang taon pa laman noon si Leila nang lumipad sila patungong  Australia kasama ang inang si Michelle van Eimeren at nakababatang kapatid na si Sarah. That was the time na nagkahiwalay ang kanilang mga magulang na halos walang nakaalam sa Pilipinas.

Fourteen years later, nag-desisyon  si Leila na muling bumalik, bagay na nirespeto at sinuportahan hindi lamang ng kanyang inang si Michelle kundi lalo na nina Ogie at Regine.

Si Leila ay kasalukuyang kumukuha ng acting workshop sa bakuran ng ABS-CBN.

Tom at Carla iniisip nang pakasal

At 29, aminado ang Fil-Am singer-actor na si Tom Rodriquez na sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ng kasintahang si Carla Abellana ang planong paglagay sa tahimik.

Tom is turning 30 on October 1 habang si Carla naman ay magti-31 na sa June 12.

Sinabi na rin ni Tom na si Carla na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Samantala, pareho pang walang bagong project sina Tom at Carla although regular pa ring napapanood si Carla bilang host ng drama anthology na Karelasyon.

Si Tom naman ay huling panood sa TV drama series na Someone to Watch Over Me na pinagtambalan nila ni Lovi Poe.

 

 

RACHELLE ANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with