^

Solenn ayaw pa ring maging nanay

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2017 - 11:48pm

Kung ang Argentinian husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico lamang ang masusunod, gusto na niyang magkaroon ng baby boy pero mukhang hindi pa handa ang kanyang model-singer-actress wife na magka-baby this year.

Ayon kay Solenn, malamang na planuhin nila ang kanilang first baby by next year at kinakailangan din niyang mag-lie low sa trabaho by then. Sa ngayon kasi ay marami pang commitments si Solenn na kailangan niyang harapin at tuparin.

Fans hindi nawawalan ng pag-asa sa balikan ng Danrich

By this time ay malamang nakabalik na ng bansa ang dating magkasintahang Daniel Matsunaga at Erich Gonzales mula sa kanilang two-day show sa Cache Creek Resort and Casino sa Brooks, California (Feb. 17 and 18) kung saan ipinakita ng dalawa ang kanilang pagiging professional sa kabila ng kanilang recent break-up.

Sa haba ng biyahe patungong San Francisco, California at pabalik ng Pilipinas, siguro naman ay nakapag-usap nang masinsinan ang dalawa.

Sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa, umaasa pa rin ang mga fans ng DanRich na muling magkakabalikan ang kanilang mga idolo, that is kung na iron-out nila ang kanilang differences sa kanilang US trip.

Pero kung hindi man magkabalikan ang dalawa, at least puwede pa rin silang maging magkaibigan lalupa’t nasa iisang home studio sila, ang ABS-CBN.

Matteo gulat sa cool off nila ni Sarah

Nagtataka ang magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung saan nanggagaling ang mga balitang nag-cool off umano ang dalawa samantalang steady lang ang relasyon nila.

Sa kabila ng pagiging busy nina Matteo at Sarah, they make it a point to find time for themselves.

Cool and steady kung i-describe ni Matteo ang relasyon nila ni Sarah na maga-apat na taon na this year.

Since parehong nag-aaral ng culinary ang magkasintahan, may suspetsa kami na balak ng dalawa na magtayo ng restaurant together although meron na nito si Matteo.

Umaasa ang da­lawa na sa altar hahantong ang kanilang relasyon  na lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon.

Enrique at Liza serye naman ang pagkakaabalahan

Masayang-masaya ang rumored sweethearts na sina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagiging box-office hit ng kanilang latest movie under Star Cinema, ang My Ex and Whys na idinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Ngayong palabas na ang latest movie ng magka-loveteam, tiyak na inihahanda naman ng Kapamilya Network ang kanilang susunod na pagtatambalang teleserye bilang follow-up sa kanilang Dolce Amore noong isang taon.

Ang tambalan nina Liza at Enrique ay isa sa pinakamainit na loveteam sa kasalukuyan na okupado rin ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ganundin nina James Reid at Nadine Lustre.

SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with