Baby ni Rufa Mae malaking bulas!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2017 - 12:00am

PIK: Kahapon daw dumating ang magkasintahang  Mark Herras at Winwyn Marquez mula sa mahigit isang linggong bakasyon sa Japan.

Ang duda ng mga close friends nila, nag-propose na si Mark kay Winwyn.

Tinanong daw ito ni Bea Binene kung engaged na nga sila, pero “secret” lang daw ang sagot ni Mark.

Sabi naman ni Alma Moreno, hindi pa raw ito ibina­lita sa kanya ni Winwyn. Nakausap daw niya ang anak niya bago ito lumipad pabalik ng bansa, wala naman daw sinabi sa kanya.

Tanungin ko siya pag-uwi niya. Wala naman siyang sinasabi sa akin eh,” sagot sa amin ni Alma nang tawagan namin.

Boto naman sila kay Mark kung sakali, at ganun din ang pamilya ng Kapuso actor dahil ang laki raw nang ipinagbago ni Mark nang naging sila ni Winwyn.

PAK: Parehong emotional ang bagong kasal na sina Luis Alandy at Joselle Fernandez sa kanilang simpleng Christian wedding na ginanap sa Two Gardens sa Tagaytay nung isang hapon.

Bale pangatlong girlfriend iyun ni Luis na naka-engage at dito lang siya kay Joselle natuloy. Dapat na raw niyang pakasalan at baka hindi pa raw siya matuloy sa pangatlong pagkakataon.

Sabi naman ni Luis, sa kanilang magkakapatid, siya na lang daw ang hindi pa settled kaya dapat na raw siyang magpakasal.

Isa sa mga tumayong ninong na dumating ay si Aga Muhlach na kararating lang mula sa bakasyon nila ni Charlene Gonzales sa Amerika.

Ayon sa ilang kaibigang dumalo sa naturang kasal, balik work na raw si Aga pagkatapos niyang magpapayat. Hindi pa na-confirm ng Viva Films kung itutuloy nila ang pelikulang gagawin nila kay Aga kasama raw si Claudine Barretto.

BOOM: Congratulations naman sa mag-asawang Trevor Magallanes at Rufa Mae Quin­to sa kanilang first baby na si Alexandria Athena Magallanes. Isinilang ni Rufa Mae ang kanilang baby girl sa St. Luke’s Global kamakalawa ng gabi, at kaagad nilang ipinost ito ang kuha ng ka­nilang baby na parang napakalaking bata.

Sobrang saya ni Trevor na ipinost sa kanyang Instagram account ang kuha ng first baby nila, at ang caption nito; “I’m not going to lie, I feel a little dizzy after seeing you come to life. Mabuhay anak, welcome to what is known as life. Enjoy it and hope you live by your mother’s famous words ‘todo na to!”

Kahit si Rufa Mae ay ipinost din ang picture ng kanilang baby na napaka-healthy tingnan.

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with