Anne aligaga na sa kasal nila ni Erwan!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2017 - 12:35am

Noong isang taon ay naganap ang engagement nina Erwan Heussaff at Anne Curtis. Ayon sa aktres ay sobrang magiging abala ang taong ito para sa preparasyon ng kanilang kasal ng binata.

“When the engagement happened, in my mind I always thought it’s not going to happen this year. Maybe it’s going to happen in another year or am I ready in my career and all the things I want to do in my bucket list. But when you actually meet the one, you just know na ito ba talaga ‘yun. So there’s going to be a lot of planning, finding a venue, guest list. I think meron pang pre-nuptials and everything that we have to organize. So it’s really going to be a very busy year, but one filled with love pa rin. My birthday wish this year is just to have a smooth sailing year of wedding planning,” nakangiting pahayag ni Anne.

Kahapon ay nagdiwang ng kanyang ika-tatlumpu’t dalawang kaarawan ang aktres. Sa ngayon ay hindi pa makapagbibigay ng mga detalye tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib sina Erwan at Anne. “Knowing Erwan and it won’t be anything over the top. It will be very charming. Of course number one priority for Erwan, it will have to be good food. Menu wala pa, ‘pag nag-food tasting,” giit ng dalaga.

Kahit abala sa paghahanda para sa kasal ay ipagpapatuloy pa rin naman daw ni Anne ang kanyang trabaho sa telebisyon at paggawa ng pelikula. “We will have a movie and of course (It’s) Showtime. I’ll still be running another marathon this year. So abangan n’yo na lang kung saan,” pagbabahagi ni Anne.

Samantala, kapansin-pansin talaga ang engagement ring ng aktres. Ayon kay Anne ay may malalim na kwento ang singsing na ibinigay sa kanya ng kasintahan. “There’s a meaning behind the ring but I’ll tell that maybe in one of our pre-nuptials, the story behind it. I can’t wait to tell all of you how beautiful the story of Erwan and I,” pagtatapos ng aktres.

Daniel mahigpit na bf!

Noong isang buwan ay pinag-usapan sa social media ang pagsusuot ni Kathryn Bernardo ng swimsuit. Dahil dito ay nagsimula ang mga espekulasyon na magpapaka-daring na diumano ang aktres sa mga proyekto na kanyang gagawin. “No, sa ano lang ‘yun, personal vacation pero onscreen, depende po ‘yun lahat kay Mr. M (Johnny Manahan). Pero ‘pag vacation, oo naman. lalo ‘pag sa beach,” paglilinaw ni Kathryn.

Para naman sa napababalitang kasintahan ng aktres na si Daniel Padilla ay hindi pa siya nakahandang magpaseksi si Kathryn sa mga proyekto. Kailangan daw munang magpaalam sa aktor ni Kathryn kung gagawa ng daring scenes. “Lagi, lagi ‘yan. Minsan pinag-aawayan pa namin. Pero siyempre, pinapangalagaan ko lang din naman siya. Hindi naman sa masyado akong overprotective, pero siyempre iniisip din naman natin ‘yung mga iisipin ng mga tao, ‘yung mga fans, mga supporters dahil marami tayong mga batang supporters. Ayaw natin silang mabigla. Gusto natin ‘yung makakasabay pa rin sila sa atin,” paliwanag ni Daniel.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with