Alma nagkakasya na lang sa pasaglit-saglit kay Mark sa kulungan
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2017 - 12:00am

Hindi madali ang pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Alma Moreno magmula nang makulong ang kanyang panganay na anak na si Mark Anthony Fernandez last October 2016 na may kinalaman sa isang kilo ng marijuana na natagpuan sa kanyang minamanehong sasakyan.

Kapag walang taping o trabaho si Ness (palayaw ni Alma) ay nasa Pampanga siya para dalawin ang anak ganundin ang ibang mga kapatid ni Mark Anthony.

Leila mas maganda pa raw kay Selena

Kung gugustuhin ng teenage daughter ng estranged couple na sina Ogie Alcasid at dating Miss Australia-Universe (1994) na si Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid, kayang-kaya niyang gayahin ang hitsura ng international pop star na si Selena Gomez dahil sa laki ng kanilang hawig.

Although natutuwa si Leila sa mga papuri sa kanya dahil sa pagkakahawig nila ni Selena, gusto niyang makilala bilang si Leila Alcasid.

Tila magiging madali ang pagpasok sa showbiz ni Leila dahil nagmula siya sa isang showbiz royalty family. 

Kahit sandali pa lamang dito sa Pilipinas si Leila ay nao-overwhelm na siya sa attention na nakukuha niya.

Leila is currently taking acting workshop sa bakuran ng ABS-CBN at nakapag-pictorial na rin siya for a glossy magazine.

Ang isa pang dapat pagtuunan ng pansin ni Leila ay ang matuto siyang magsalita ng Tagalog tulad ng kanyang mom na si Michelle van Eimeren na hanggang ngayon ay marunong magsalita ng Tagalog.

Samantala, napakasuwerte ni Leila sa pagkakaroon ng supportive stepmom sa katauhan ni Regine Velasquez who treats her just like her own daughter.

How lucky can she get dahil dalawa ang nanay ngayon ni Leila.

Pagkamatay ni Pepsi pinagluluksa sa showbiz

Nagluluksa ngayon ang local fashion industry dahil sa pagpanaw ng sikat na celebrity fashion designer na si Pepsi Herrera na sumakabilang-buhay last Friday, February 10 dahil sa atake sa puso.  Pepsi was 56.

In a way ay para na ring showbiz personality si Pepsi sa rami ng kanyang clients from showbiz tulad nina Kris Aquino, Regine Velasquez, Kim Chiu, Julia Montes, Janella Salvador, Kathryn Bernardo, Alden Ri­chards, Xian Lim, Coleen Garcia at marami pang iba.

Si Pepsi ay pangalawa sa mga kilalang personalidad na sumakabilang-buhay sa buwang ito. Nauna na rito ang dating mayor ng Caloocan at longtime partner ng actress na si Nadia Montenegro na si Macario “Boy” Asistio noong nakaraang  Lunes, February 6.

ALMA MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with