^

PSN Showbiz

Erich at Daniel parehong may itinatago?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pinabulaanan ni Daniel Matsunaga na may kinalaman sa pera ang kanilang paghihiwalay ni Erich Gonzales pero hindi naman ito nagsabi kung ano ang tunay na dahilan.

Sina Erich at Daniel ay nagkalapit sa isa’t isa sa guesting ng dalawa sa now-defunct Kris TV ni Kris Aquino on ABS-CBN na sinundan nang maging bahagi si Daniel sa nagtapos na ring teleserye ni Erich in 2015, ang Two Wives kung saan din tampok sina Jason Abalos at Kaye Abad.

Bago ang relasyon nina Erich at Daniel ay may nobyo ang Kapamilya actress, ang kanyang non-showbiz ex-boyfriend businessman na tumagal ng apat na taon.

Bago naman si Erich ay naging girlfriend ni Daniel ang misis na ngayon ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

Diego mas kinainisan kaysa kinaawaan

Hati ang reaction ng netizens sa ginawang pagbira ng Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga sa kanyang amang actor na si Cesar Montano. Marami pa rin ang hindi pabor sa ginawang paninira ni Diego sa kanyang ama sa social media.

Granting totoong lahat ang pinost ni Diego sa kanyang Instagram account against his father, bakit kailangan niya itong isa-publiko? Hindi ba sila puwedeng mag-usap na mag-ama? Kung anumang tampuhan o samaan ng loob meron ang mag-ama, kailangan ba itong isa­publiko ni Diego?

Walang perpektong magulang at wala ring perpektong anak. Ang pagkakaroon ng clash sa pagitan ng magulang at anak ay nagsisimula rin sa kanilang relasyon.

Granting may pagkukulang si Cesar bilang ama kay Die­go, si Diego kaya ay walang pagkukulang bilang anak?

Dahil sa ipinakitang walang paggalang ni Diego sa kanyang ama, huwag sana itong makaapekto sa kanyang career kung meron man siyang career na maipagmamalaki.

May mga nagsabi rin na bakit hindi umano nakialam ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga kung alam niyang may problema ang anak niya sa ama nito. At least si Teresa raw sana ang nakipag-usap kay Cesar tungkol sa problema ng young actor.

Hiwalayan nina Kim at Xian wala nang urungan 

Binibigyan na ng magkakahiwalay na proyekto ng Kapamilya Network ang rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Balik-tambalan sina Kim at ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson sa Ikaw Lang ang Iibigin na malapit na ring matunghayan ng mga manonood habang si Xian naman ay kasama sa tumatakbo ngayong serye na A Love To Last na pinangungunahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Sa bagong movie ni Kim sa Star Cinema, hindi si Xian ang kanyang kapareha kundi ang boyfriend ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli. Ang horror movie na Ghost Bride ay pamamahalaan ni Chito Roño kung saan kasama rin sina Alice Dixson, JC Santos at iba pa.

 

ERICH GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with