Life goes on – Erich, At my lowest, God is my hope - Daniel
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2017 - 10:30pm

Kapansin-pansin ang bagong hairstyle ngayon ni Erich Gonzales at mukhang may kinalaman ito sa hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga kamakailan. “For a change po, fresh start, new beginnings po. It’s true po na we are not together anymore, it’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang magdetalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po,” makahulugang pahayag Erich. 

Nasa moving on stage na raw ngayon ang dalaga kaya hanggang maaari ay gusto lamang niyang maging positibo sa lahat ng bagay. “I just want to move on. I want to help myself so that’s what I’m doing now. I think I just have to accept na may mga bagay po talagang we cannot control. Life goes on,” dagdag ni Erich. 

May bulung-bulungan na posibleng pera diumano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dating magkasintahan. “Tungkol sa pera, ayaw ko na pong magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on,” giit ng aktres.

Sa ngayon ay humuhugot ng lakas ng loob si Erich sa mga taong malalapit sa kanyang puso. “Nandiyan po ‘yung pamilya natin, mga kaibigan, ‘yung supporters po natin. Thankful po ako dahil ‘yung loyalty nila laging nandiyan. Siyempre po ‘yung Diyos. Siya naman po ang nakakaalam ng lahat,” nakangiting pahayag ng aktres. 

Nagpahinga rin sa social media si Erich at aminadong binura niya ang mga larawan nila ni Daniel sa kanyang Instagram account. “I don’t really read any comments na. People will believe what they want to believe. Like what I said, kami lang naman po talaga ang nakakaalam ng totoo. I deleted the photos, I unfollowed them (pamilya ni Daniel). I just want to help myself,” pagtatapat ng aktres. Malabo raw na maging kaibigang muli ni Erich si Daniel dahil na rin sa mga nangyari sa kanila. “Sa nararamdaman ko po ngayon, hindi po. I don’t want to say anything more. I just want to move on. I hope you understand,” pagtatapos ng dalaga. 

Bago pa kinumpirma ni Erich ang tungkol sa hiwalayan nila ng model-actor ay naging makahulugan ang post ni Daniel sa Instagram noong isang linggo para sa kanilang followers. “Whatever is happening between me and Erich right now should be between the two of us please. We have nothing against each other and my love for her will always be there. So sa lahat ng mga haters, I just hope you guys respect her. Tama na please. Grabe kayo.” Ngayon ay burado na rin ito at kahapon ay isang spiritual inspiration na lamang ang nai-post ni Daniel matapos ang mga naging rebelasyon ni Erich tungkol sa kanilang paghihiwalay. “The deepest level of worship is praising God inspite of the pain, thanking God during the trials, trusting Him when we’re tempted to lose Hope and LOVING HIM when He seems so distant and far away. At my lowest, God is my hope. At my darkest, God is my light. At my weakest, God is my strength. At my saddest, God is my comforter.”

 

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with