^

PSN Showbiz

Julia emosyonal pagdating sa ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Naging maramdamin ang guesting ni Kapamilya young star Julia Montes sa morning program nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros dahil napag-usapan ang unang pagkikita nina Julia at ng kanyang German dad na si Martin Schnittka.

During the interview, may VTR greetings kay Julia ang dalawa niyang kapatid sa Germany at maging ang kanyang deaf-mute dad na si Martin ay nagpakita ng nakasulat na mensahe sa kanya na lalong ikinaiyak ng actress.

Although may plano si Julia na bisitahin ang kanyang dad and his new family in Germany, darating daw sila rito sa buwan ng Hunyo during the school break ng kanyang half-siblings sa Germany.

Cesar nag-ala Freddie Aguilar

Mukhang malalim ang pinag-ugatan ng social media rant ng Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga laban sa kanyang ama, ang actor-director-producer at ngayon ay pinuno ng Tourism Promotions Board na si Cesar Montano.

Halos natitiyak namin na hindi sasagutin ni Cesar publicly ang mga banat sa kanya ng sarili niyang anak tulad ng ginawa noon ni Megan Aguilar laban sa amang si Freddie Aguilar at sa halip ay kakausapin nito nang masinsinan ang anak privately.

Normal na sa isang magulang at anak ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan paminsan-minsan pero sa bandang huli ay tiyak na mananaig pa rin ang pagiging magulang ni Cesar kay Diego.

Magsalita man si Cesar tungkol sa kanyang anak, natitiyak namin na hindi niya ito sisiraan in public tulad nang ginawa ng anak sa kanya.

Bong may quickie reunion sa pamilya

Masaya ang actor at dating senador na si Bong Revilla, Jr. dahil pinayagan siya ng Sandiganbayan na madalaw ang kanyang ama, ang veteran actor at dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista in real life – 90, not 95) sa St. Luke’s Medical Center Global City na matagumpay na sumailalim ng transarterial aortic valve replacement nung uma­ga ng Miyerkules, February 8.

 

 

 

 

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with