Cesar Montano

Cesar ‘di nakatiis kay Miss U Iris Mittenaere!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2017 - 12:00am

Nanood si Cesar Montano ng grand coronation ng 65th Miss Universe sa Mall of Asia Arena noong Lunes dahil binigyan siya ng VIP ticket bilang ang aktor ang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board na isa sa mga agency ng Department of Tourism.

Nagkaroon si Cesar ng chance na makapagpalitrato kay Iris Mittenaere noong Miss France pa lamang ito at matapos mapanalunan ang Miss Universe 2016 crown.

Ang selfie photo nila ni Iris ang profile picture ngayon ng Facebook account ni Cesar na iniimbitahan ang lahat, pati ang mga turista na bisitahin ang Intramuros Tourism Fiesta sa tabi ng Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

Ang Intramuros Tourism Fiesta ang isa sa mga project ng Tourism Promotions Board at mabibili doon ang mga ipinagmamalaki na produkto mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

Malaki ang maitutulong ni Iris sa Intramuros Tourism Fiesta kung maiimbitahan siya ni Cesar na bisitahin ang fair na isang buwan na idaraos. Kaya lang balitang paalis na ito ng bansa papuntang New York.

Miss Haiti nag-babu ng ‘Pinas na ?maligaya

Nag-babu na sa Pilipinas si Miss Universe 2016 first runner-up Raquel Pellisier ng Haiti.

Maligaya na umalis ng Pilipinas si Raquel dahil malaking karangalan para sa kanya na first runner-up siya sa 65th Miss Universe at hindi niya malilimutan ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

Ang pagkakaroon ng Filipino blood ang isa sa mga pralala ni Raquel kaya lalong na-in love sa kanya ang mga Pinoy.

May dugong Pilipino si Raquel dahil Pilipina ang nanay ng lolo niya sa mother side. Bale apo sa tuhod si Raquel ng kanyang Pinay lola na hindi na niya nakilala nang personal dahil matagal nang nagbabu sa mother earth. Lumitaw pa rin ang pagiging Pilipino ni Raquel dahil Pinay na Pinay ang hitsura niya.

Vilma at Juday nagluluksa

Nakikiramay ako sa mga naulila ng fashion designer na si Danilo Franco at sa pamilya ni Judy Ann Santos dahil sa pagpanaw ni Sabina Quintana na mas kilala sa showbiz bilang Yaya o Nanay Binay ni Juday.

Si Danilo ang isa sa mga favorite fashion designer ko at siya ang gumagawa ng mga gown ko noong masipag pa ako na magbihis sa tuwing kinukuha ako na ninang sa kasal.

Ang kuwento na nakarating sa akin, nagpunta si Danilo sa emergency room ng UST Hospital noong Martes dahil sumusumpong ang arthritis niya pero habang naroroon, umatake ang kanyang asthma at nagkaroon siya ng cardiac arrest.

Sumakabilang-buhay si Danilo sa edad na 66 at nakaburol ang mga labi niya sa Sanctuarium nasa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue, Quezon City.

Sigurado ako na ikinalungkot din ni Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto ang pagkawala niya. Isa si Mama Vi sa mga loyal client ni Danilo dahil ito ang gumagawa ng halos lahat ng mga damit ng Star for All Seasons noong active ito sa showbiz hanggang maging mahusay na public servant.

Ipinagluluksa naman ni Judy Ann Santos at ng pamilya nito ang pagpanaw ni Binay, ang itinuturing na second mother ng Santos siblings. Si Yaya Binay ang nag-alaga kay Judy Ann at sa mga kapatid nito nang subukan noon ni Mommy Carol na magtrabaho sa ibang bansa. Si Mommy Carol ang butihing ina nina Judy Ann at Jeffrey.

Ipinagdiwang ng mga Santos ang 69th birthday ni Yaya Binay sa hospital room nito sa St. Luke’s noong Lunes pero kinabukasan, Martes, binawian siya ng buhay. Dinala ang labi ni Yaya Binay sa Arlington Memorial Chapels noong Martes at kahapon, Miyerkoles, ang cremation sa kanyang labi.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with