^

Solenn pumiyok na iba ang sinabi ng interpreter ni Miss France!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2017 - 12:00am

Maxine dadalhin agad ng boyfriend sa beach! Chavit Singson hindi pa tapos sa pagko-compute ng gastos sa Miss u!  

SEEN: Napaiyak si Miss Universe Thailand Chalita Suansane nang makita niya ang kanyang ina pagkatapos ng 65th Miss Universe coronation. Umasa si Chalita na magkakaroon ng puwesto dahil kabilang siya sa mga heavy favorite na manalo.

SCENE: Si Michael Cinco ang gumawa ng royal blue gown ni Pia Wurtzbach sa farewell walk nito. Lucky color ni Pia ang royal blue dahil ito ang kulay ng gown na ginamit niya nang manalo siya na Miss Universe noong 2015.

SEEN: Active na active sa mga ganap kahapon sa 65th Miss Universe si John Arcilla aka Heneral Luna aka Hagorn ng Encantadia. #AlamNa.

SCENE: Magbabakasyon si Maxine Medina at ang kanyang boyfriend na si Marx Topacio pagkatapos ng Miss Universe. Hindi pa alam ni Marx kung saan sila magbabakasyon ni Maxine pero gustong-gusto nito na magpunta sa beach para magpahinga.

SEEN: Ang paniniwala ni Department of Tourism Wanda Teo na dapat sinagot ni Maxine Medina sa wikang Tagalog ang tanong dahil confident sa sariling lengguwahe ang Pinay bet sa Miss Universe.

SCENE: Ang reaksyon ni Solenn Heussaff na fluent sa French language sa maling translation ng interpreter ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, “French translator said: When I missed my first casting but she (Mittenaere) really said 1st year of medicine school.”

SEEN: Tapos na ang 65th Miss Universe pero hindi pa tapos ang computation sa malaking gastos ng LCS Group, ang kompanya ni Chavit Singson na nagdala sa Pilipinas ng 65th Miss Universe para makatulong siya sa tourism industry ng Pilipinas.

SCENE: “She can try again,” ang reaksyon ng businessman na si Luis “Chavit” Singson tungkol sa pagkatalo ni Maxine Medina pero hindi na mangyayari ang sinabi niya dahil hindi nagpapadala ang Bb. Pilipinas Charities, Inc. ng repeater sa Miss Universe.

SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with