Miss Thailand
Pantapat sa Pinoy fandom mga estudyante sa Thailand walang pasok para makaboto kay Chalita!
THE EAR - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2017 - 12:00am

Pinost ng Powerhouse Philippines ang video ng rehearsal ng Boyz II Men na kakanta sa Grand Co­ro­nation bukas. Ang ganda ng video na sumasabay ang mga candidates sa Miss Universe na kumanta sa Boyz II Men. Katabi ni Miss Universe Philippines Maxine Medina sa pag-sing-along si Miss Korea.

Anyway, kung ang Pilipinas ay nanawagan sa iba’t ibang fandoms na magtulung-tulong para iboto si Maxine, sa Thailand nam an ay nagdeklarang walang pasok para makapag-concentrate ang mga estudyante na iboto si Miss Thailand Chalita Suan­sane. Sina Miss Thailand at Miss Philippines ang mahigpit na naglalaban sa online votes na malaking plus point para manalo ang isang kandidata.

Tungkol pa rin sa Miss Universe, pinost ni Maria Isabel Lopez ang tickets niya sa Grand Coronation ng Miss Universe na bigay ng Solar Pictures. Hindi ba may tsikang hindi siya inimbita ng Bb. Pilipinas?

“Feeling blessed to be “invited” to the #MissUniversePh #CoronationNight #VIPSeats...no one will drive me away! Cheers.”

Pag-iksi ng buhok ni Angel misteryoso pa rin

Bagay kay Angel Locsin ang short hair at ini­rampa niya ang bagong hairstyle sa 60th birthday party ni Ms. Malou Santos. Lahat ng nakakita sa aktres ay sinabing bagay sa kanya ang buhok nito.

Ang hindi pa malinaw ay kung totoong kaya nagpaiksi ng buhok si Angel ay dahil nagka-hair fall siya dahil sa maling hair treatment. Lalong umingay ang isyu na ito dahil nakita siya na nakasuot ng wig.

Rachelle ann hindi nag-iisang Pinay sa Hamilton

Nakakatuwa naman, dalawang Filipina pala ang kasama sa cast ng West End musical na Hamil­ton. Bukod kay Rachelle Ann Go, Filipina rin si Christine Allado.

Naka-post sa social media ang announcement ng cast ng Hamilton na sabi: “Cameron Mackintosh and Jeffrey Seller are thrilled and delighted to announce the initial casting for their West End production of Hamilton...”

Kasama nga ang pangalan nina Rachelle at Christine na gaganap na Eliza at Peggy respectively. Nakasulat din na “Hamilton will open the London production later this year, with further casting to be announced at a later date.”

Maxine winner na para sa mga Pinoy

On point ang series of tweets ni director Joey Reyes sa pamba-bash kay Miss Universe Philippines Maxine Medina ng mga kababayan natin. Sinimulan ni direk Joey ang tweet na “A nagging question: Why do people go out of their way bashing Maxine Medina when the girl is trying her best to give pride to her country?”

“The insults Maxine receives about her communication problems make it seem like EVERYONE speaks English with perfect grammar. TALAGA, HA!” Heto pa, “Ang dudunong at ang gaganda nila. Sila kaya ang rumampa na naka-bathing suit sa entablado with their PERFECT ENGLISH.” “Again, she is GIVING HER BEST. We must appreciate Maxine Medina’s efforts to make us proud as a nation. AFFIRM rather than belittle her.”

Sinundan pa nito ng “We ARE proud of you, Maxine. Regardless of results, YOU ARE DOING WELL.” at “The odds ay be against her since she comes from the host country but win or lose, she is ONE OF US! So SUPPORT”

“Back to back, host country win? She is doing her best so cheer for her not belittle her! You’re OUR winner. #Philippines #Miss Universe.”

Maraming nag-agree kay direk Joey dahil totoo ang mga sinabi niya. Sa halip na suportahan si Maxine, dina-down pa ito. Kabilang si Derek Ramsay sa nananawagang itigil ang pamba-bash kay Maxine.

“Stop the bashing! We should be proud of this beautiful and accomplished Filipina. Good luck @maxine_medina.”

Julie Anne suki na ng bashers

Isa pang sobrang naba-bash sa social media ay si Julie Anne San Jose. Suki siya ng pamba-bash ng iba’t ibang grupo ng fans at mas lumala nang malamang niligawan siya ni Alden Richards. Hindi makalimutan ng fans ‘yun at kung sina Alden at Julie Anne ay naka-move on na, ang fans ay hindi pa rin.

Parang breakfast, lunch, dinner, at may me­rienda pa ang pamba-bash kay Julie Anne dahil tuluy-tuloy ang mga ito. Pati ang relasyon nila ni Benjamin Alves, bina-bash dahil promo lang daw ito ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Nilinaw ito ni Benjamin sa sinabing bago pa man sila kunin ni Julie Anne for the soap ay nagdi-date na sila.

Maganda ang ginagawa ni Julie Anne na sa halip na pumatol sa bashers ay naka-concentrate lang siya sa trabaho. Dedma ang singer-actress sa mga ayaw sa kanya. Si Benjamin ang hindi nakakatiis at minsan, sinasagot ang bashers ng GF.

Sa tanong kina Julie Anne at Benjamin kung paano titigil ang bashers ni Julie Anne, “We don’t know” ang pareho nilang sagot.

Anyway, bukas na ang airing ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa direction ni Gina Alajar.

BOYZ II MEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with