Iza Calzado
Iza binira-bira sa pagkagusto kay Imelda Marcos
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2017 - 12:00am

Na-bash si Iza Calzado dahil nag-tweet na gusto niyang gampanan ang role ni former First Lady Imelda Marcos. Ang simpleng tweet nitong “I hope I get to play her for a film one day. What an interesting character study” ay umani ng negative comments sa social media account ng aktres.

Kinailangan pang magpaliwanag at mag-sorry ni Iza na actually, wala naman siyang kasalanan. “I never stated that I ido­lize Imelda. I clearly stated that I channeled a part of her, which I resonate with, love for shoes and terno. And yes, I said I would love to play Imelda in a film because it is very interesting to me, as an actor, to try and wrap my head around the character, the person that is Imelda. Just because I said I want to play her means I put her on a pedestal.

“I posted that without malice or any intention of hurting the victims of Martial Law. No political agenda. I star away from political posts. Nakakalungkot that in today’s society, people have become so divided, politically, that they’ve become so opinionated and sensitive.

“Opinionated and sensitive about EVERYTHING...even a PARTY COSTUME! Is this the kind of society we want? A greatly divided nation? Yes, we must never forget our history but we should also live in the present and look towards a bright future.A  unified future.

“Kung may nasaktan man ako, patawad. Again, my intention was never to huty or offend you. This ill be my last tweet about this. Peace.”

Gawa ni Rajo Laurel ang powder blue gown na isinuot ni Iza sa birthday party ni Tim Yap at nagpanalo sa kanya ng Best in Filipiniana. Ipinost ni Iza ang Rimowa luggage na premyo niya sa pagkapanalo.

Kylie at Ruru TAPOS na

Birthday ni Kylie Padilla bukas, January 25 at tiyak na may selebrasyon sa taping ng Encantadia. Ito ay kung nagti-taping pa siya at hindi ang karakter niyang si Reyna Amihan ang mamamaalam. Silang dalawa ni Glaiza de Castro ang hula ng fans na mawawala sa fantaserye.

Sa latest post ni Kylie sa Instagram (IG), sabi nito: “Is it a coincidence that my element is air since my birthday is in January? We are meant to be Amihan.”

Isa sa pinanghihinaya­ngang sakaling si Kylie nga ang mama­matay sa Encantadia ang pagkaputol ng Ybramihan love team nila ni Ruru Madrid. Ang lakas ng da­ting ng tambalan ng dalawa, may chemistry ang incidental love team na nabuo at nanalo pa silang best love team. Sayang at hin­di na yata sila mapapanood after Encantadia.

Jake feeling Johnny Depp

Ang sipag mag-promote ni Jake Cuenca ng Regal Films movie na Foolish Love na ope­ning na bukas, January 25 at mamaya ang premiere night sa SM Megamall. Napupuno ng pos­ter ng pelikula ang IG nito and reminding everybody sa showing ng pelikula.

Hindi makakalimutan ni Angeline Quinto ang sweetness at suporta ni Jake lalo na sa kissing scene nila.

Pre-Valentine treat ng Regal Films ang Foolish Love, kaya expect na mara­ming nakakakilig na eksena na ibibigay sina Jake at Angeline at Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Siya nga pala, hindi natatanong si Jake kung kailan siya magpapagupit. Sabi ng mga reporter, parang ini-enjoy nito na parang Johnny Depp ang datingan niya with his long hair.

Barbie ginagamit ang assignment kay Ivan

Determinadong makatapos ng college si Bar­bie Forteza dahil pinagsasabay niya ang showbis sa kanyang pag-aaral. Kahit malayo sa bahay nila ang eskwelahan sa Biñan, Laguna, ay pumapasok pa rin siya.

Dinadala nito sa taping ng Meant To Be ang assignments niya, kaya lang, biniro siya ni Valeen Montenegro na kaya masaya siyang mag-aral ng Chemistry ay dahil napagsasabay ang harot, aral, at work. Dahil ito sa photo nila ni Ivan Dorschner na parang tinutulungan siya sa kanyang assignment.

IZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with