Angel hindi makapagsimula sa Darna dahil sa buhok?! Direk Carlo, si Donna pa rin ang nakikita pag-uwi ng bahay!
THE EAR - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2017 - 12:00pm

PIK: All-out ang suporta ng Fil-Brit boyfriend ni Iza Calzado na si Ben Wintle sa pelikula niyang Ilawod na nagsimulang ipalabas kahapon. Kahit hindi gaanong nakakaintindi ng Tagalog si Ben, tinapos niya ang pelikula at kinikilabutan daw siya hanggang sa ending. Ramdam daw niya ang takot dahil ang lakas ng dating ng mga shot at music na nakakapangilabot.

Wala namang selos na naramdaman si Ben sa halikan nina Iza at Ian Veneracion, pati ang ‘sampa at gapang’ scene ni Iza kay Ian. Bilang suporta pa rin sa pelikula ng aktres, magpapa-block screening si Ben para makapanood daw ang iba pa nilang kaibigan.

PAK: Totoo kayang sisimulan na ng Star Ci­nema at ni Direk Erik Matti ang Darna na pagbibidahan ni Angel Locsin? Mukhang si Angel na nga talaga ang gaganap pero ang latest na narinig namin, hindi raw sila makapagsimula agad dahil sa problema ng Kapamilya actress sa kanyang buhok. Napabalita noon ang problema ni Angel sa kanyang buhok na nalalagas daw dahil sa maling treatment na ginawa sa kanya. Wala pang sagot ang kampo ni direk Erik Matti kung kailan nila ito sisimulan at kung totoong isa-submit nila ito sa susunod na Metro Manila Film Festival.

BOOM: Hindi pa rin daw nag-sink in kay direk Carlo J. Caparas na sumakabilang buhay na ang maybahay niyang si Donna Villa. Hanggang sa huling sandali ay punung-puno pa rin daw ng pag-asa si Tita Donna na gaga­ling siya sa cancer of the uterus. Pero hindi na raw talaga naagapan dahil sa laki ng myoma na tumubo sa kanya at hindi na kinaya ng operasyon.

Bilib pa rin si direk Carlo J sa tatag at tapang ng kanyang asawa dahil talagang nakipaglaban daw ito sa kanyang karamdaman. Kaya hanggang sa pumanaw ang kanyang asawa, naiwan pa rin daw sa alaala niya ang matapang na Donna Villa na ka­yang lagpasan ang naturang karamdaman.

Pagkatapos ma-cremate ni Tita Donna kahapon, dadalhin daw ang mga abo nito sa Cebu dahil ang bilin niya ay itatabi ang kanyang abo sa kanyang mga magulang.

Hindi alam ni direk Carlo J kung ano ang gagawin niya na wala sa tabi niya si Tita Donna. “Kagabi pag-uwi ko, siya pa rin ang nakikita ko eh. Katabi ko siya ng 29 years sa lahat na mga lakad namin.

“Twenty nine years kaming nagsasama na siya lang ang katabi ko sa pagtulog at sa lahat na ginagawa namin sa kanya lang ako sumusunod,” emosyonal na pahayag ni direk Carlo J.

Nakikiramay po kami kina direk Carlo at sa lahat na mga naiwan ni Tita Donna Villa.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with