^

Glaiza tumangging makianib sa mga kapatid

THAT DOES IT (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2017 - 12:50am

Sa pagpapatuloy ng fantaseryeng Encantadia, hinarap ni Lila Sari (Diana Zubiri) si Amihan (Kylie Padilla) para pag-usapan ang naganap na paglusob sa Hathoria.

Ipinarating din ni Lila Sari ang kanyang pakikiisa sa pakikipaglaban kay Hagorn (John Arcilla) para sa kanyang anak pero sinabi ni Amihan na nakay Cassiopea (Solenn Heussaff) pa rin ang desisyon sa magiging kalagayan ni Deshna.

Nagtungo si Hagorn kay Ether para humingi ng mga kawal ngunit itinuro siya nito kay Arde. Pinatay ng panandalian ni Ether si Hagorn para makapunta ito kay Arde sa Balaak.

Nagpasalamat si Danaya (Sanya Lopez) kay Aquil (Rocco Nacino) tungkol sa pagligtas nito sa kanya sa Hathoria. Nabigyan naman ng pag-asa si Aquil matapos ipangako ni Danaya na hihintayin siya nitong makabangon.

Nag-eensayo sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) tungkol sa pakikipagdigma pero naninindigan si Lira na ayaw niya ng karahasan at gulo at naniniwala na may iba pang paraan para magkaroon ng kapayapaan.

Nagsimula nang maglakbay si Hagorn bilang kaluluwa patungo sa Balaak.

Sinubukan muling kumbinsihin ni Lira si Pirena (Glaiza de Castro) na makianib na sa kanyang mga kapatid pero nabigo siyang muli.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

GLAIZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with