Aktres puro two-piece ang laman ng closet
THE EAR - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2017 - 12:00am

Natawa kami sa nabasang conversation ng ilang fans sa social media tungkol sa isang aktres na tuwing nagpu-post ng picture sa IG ay laging naka-two-piece swimsuit. Tanong ng ilang netizens, wala raw bang damit ang aktres at puro swimsuit ang nasa closet nito?

In fairness, ang daming two-piece swimsuit ng aktres, iba-ibang kulay at design ang nakikita namin at never pa siyang nag-ulit. Hindi rin siya nauubusan ng caption sa kanyang ipinu-post na picture, ‘kaaliw ha!

Hindi sexy star ang image ng aktres nang magsimula siya sa showbiz, pero ngayon, nag-iiba na ang image nito. Sabi pa ng ilang netizens, baka raw gusto nitong magpa-discover bilang sexy star. O, kaya’y gustong maging calendar girl.

In fairness, sexy at maganda ang aktres at hindi kami magugulat kung isang araw ay i-announce na lang na isa siya sa bagong calendar girl.

Drew at Iya nakabuyangyang ang buhay sa social media

Ang ganda-ganda ng post ni Drew Arellano patungkol sa asawang si Iya Villania at sinabayan pa ng pagpu-post ng candid photo ng misis. Ang dami talagang followers ng mag-asawa dahil may 35,881 likes na ang nasabing post.

“This girl defines 2016 for me. Can’t wait to love her more in the coming years as a mother, wife and best friend. Nyeta, love you so much @iyavillania!”

Marami ang natuwa at natawa sa post ni Drew lalo na ang “Nyeta” part at sabi ng ibang nakabasa, gagayahin nila ito dahil puno ng pagmamahal at idinaan lang sa pagpapatawa.

Pinatatawa rin nina Drew at Iya ang followers nila sa Instagram (IG) sa mga post nila sa anak nilang si Primo Antonio. Isine-share ng dalawa ang saya nila sa kanilang cute na anak kaya ang sarap bisitahin ang IG ng dalawa.

Samantala, sa Sunday na, January 15, 5-6 p.m., ang pilot airing ng People vs. The Stars. Ang tatlong unang guests ay sina Alden Richards, Kris­toffer Martin, at Derrick Monasterio.

Sef pinag-isipan ang sagot kay Maine

May tweet si Sef Cadayona na sabi ng mga nakabasa ay reaction niya sa tsismis sa kanila ni Maine Mendoza. Tweet ni Sef: “False rumors is something not to ponder upon. If you can’t do it for me, at least respect those other people involved. God Bless.”

Natuwa ang fans nina Maine at Alden Ri­chards sa tweet na ito ni Sef dahil napatunayan nilang hindi totoo ang isyu kina Maine at Sef.

Gabbi binagayan ng korona

Panalo ang picture nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na parehong naka-gown at may suot na korona. Maganda si Ruru kung naging babae ito.

Bagay na bagay kay Gabbi ang may nakapatong na korona at beauty queen ang dating nito. Pati ang designer na si Mark Bumgarner na gumawa ng gown ni Gabbi sa debut nito ay naniniwalang pang-beauty queen ang ganda at tindig ng young actress.

Dahil sa picture ni Gabbi, marami na naman ang kumumbinsi sa kanyang sumali sa Bb. Pilipinas. Pero hindi pa siya sasali ngayon, focus muna siya sa career niya lalo’t isinama siya sa Encantadia at ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang role ni Sang’gre Alena sa fantaserye.

Eighteen years old na si Gabbi, may seven years pa siya para sumali sa beauty pageants. Enough time para paghandaan ang katuparan ng isa pa niyang pangarap.

IG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with