Magandang aktres puro pagpapanggap ang image!
ESSENCE - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2017 - 12:00am

Hindi maitatago ang naturalesa. Kahit ilang camera pa ang itutok sa isang personalidad na parang napakabait sa harap ng publiko ay siguradong lulutang pa rin ang natural niyang ugali kapag mga tao nang nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa ang nagsalita.

Madaya ang mga camera. ‘Yun ang kuwento ng mga taong nakasubaybay sa paglaki ng isang aktres na ngayo’y kilala na dahil sa talento niya sa pag-arte.

Kuwento ng isang source, “Naku, bata pa lang siya, e, talagang problema na siya ng family nila. Maldita siya, napakasuplada! Wala siyang kasundong mga pinsan niya dahil sa ugali niya!

“May sarili siyang mundo, ayaw niyang nakikipag-usap sa mga relatives nila. Kausapin mo siya, e, nakasimangot! Purihin mo dahil maganda siya, e, ni hindi marunong mag-appreaciate!

“Para bang utang na loob pa ng mga nagagandahan sa kanya ang mga papuri sa kanya. Tapos, ngayong artista na siya, e, parang ang bait-bait niya. Sus, kung mabait siya, e, walang nang maldita sa mundong ito!” madiing komento ng impormante.

Nu’ng minsang naging guest sa isang variety show ang young actress para sa promo ng kanyang pelikula ay nawindang ang mga kasamahan niyang artista sa dressing room.

May nakalimutang gamit niya ang PA niya, galit na galit siya, minura-mura niya at paulit-ulit niyang sinabihan ng tanga ang alalay niya! Nakakaawa ang PA, nakayuko na lang, kasi nga, pahiyang-pahiya siya sa mga artistang nandu’n!

Interview portion na. Tinanong ang young actress ng mga hosts ng show kung ano ang sikreto ng pagiging matagumpay niya. Mabilis siyang sumagot nang walang kakurap-kurap, isang-isa lang daw, ang pagiging cool lang sa lahat ng oras kahit pa may mga nangba-bash sa kanya.

Sabi uli ng source, “Cool lang? Walang totoo sa sinabi niya oncam. Plastic siya! E, kagagaling nga lang niya sa dressing room kung saan pinagmumura niya ang PA niya!

“Ganu’n ba ang cool? Konting kibot lang, e, nakamura na agad? Kahit nga ang mommy niya, e, sinisimangutan at sinasagut-sagot ng babaeng ‘yan!”

Ubos!

Nanay ni Alden idinadamay sa paninira

Kakambal ng kasikatan ang mga intriga. Natural, kapag sikat ang artista ay para siyang isdang lumalangoy sa aquarium na sinusundan ng tingin ng lahat, pero depende pa rin ang sitwasyon sa klase ng mga taong nanglalaglag sa kanya.

May mga taong wala nang alam tungkol sa linya ng kagandahang-asal ay parang wala pang kunsensiya, ‘yun ang mga taong walang magandang pagpapalang tinatanggap sa buhay, kaya pinag-iinitan ang mga taong nagtatagumpay.

Biktima ng ganu’ng klase ng mga tao si Alden Richards. Palibhasa’y sikat na sikat siya at tumatanggap ng mga papuri tungkol sa kanyang natural na kabaitan ay hindi ‘yun matanggap ng mga taong may ibang gusto kaya pinipilit siyang ibagsak.

Sagrado ang pagkamatay ng ating mga mahal sa buhay. Nirerespeto natin ang kanilang pagkawala at palagi natin silang inaalala may okasyon man o wala.

Sa pagsigla ng career ni Alden, sa napakagandang suwerteng dumating sa kanyang buhay at career ay palagi niyang naaalala ang pumanaw niyang ina, nakapanghihinayang nga naman kasi na hindi na nasaksihan ng mommy niya ang magandang kapalarang dumating sa kanya.

Pero may mga taong walang kunsensiya, ang pagmamahal ni Alden sa namayapa niyang ina ay ginagawang isyu, ginagamit daw ng Pambansang Bae ang pagkamatay ng kanyang mommy para makuha ang simpatya ng publiko.

Patawarin na lang ni Alden Richards ang mga taong ‘yun na pinagdamutan ng kunsensiya para mabalanse ang takbo ng kanilang utak. Pati ba naman ang pagkawala ng ina ng aktor ay gagawan pa ng malisyosong kuwento?

Araw at gabi mang dumalaw si Alden sa puntod ng kanyang ina ay hindi krimen. Minu-minuto man niyang sabihin na hindi na nakita ng kanyang mommy ang matinding tagumpay niya ngayon ay walang pakialam ang kahit sino d’yan.

Kapuri-puri pa rin si Alden Richards, mabuti pa rin ang kanyang puso, mapagpahalaga siya sa mga taong mahal niya na dapat ay naregaluhan niya ng tagumpay na hawak niya ngayon!

Tapos!

KAHIT ILANG CAMERA PA ANG ITUTOK SA ISANG PERSONALIDAD
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with