Anak ni Herbert nagma-master ng pagdidirek sa New York!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2017 - 12:00am

Ang guwapo at tangkad ng anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Eloisa Matias na si Race Matias. Pinost ni Noel Ferrer ang picture nito bilang inaanak niya ang binata at siya na rin ang ma­nager nito.

Post ni Noel sa Instagram (IG), “HERE IS MY DEAR INAANAK WHOM I NOW REPRESENT-RACE MATIAS-He just survived his first intense year of Filmmaking studies in New York Film Academy with flying color. His first attempt at entering his thesis film, LIKE FATHER, LIKE SON in 12 internat ional festivals yielded him 6 Best Short Film qualifications and a GOLD award winner for Best Short Film in the NYC Indie Film Awards. He wrote, directed, edited and scored his film. He is slated to guest in some talk shows and grant some interviews before leaves for NYC once again.”

Wow, may anak na magiging director sina Mayor Herbert at si Eloisa kaya naman proud ang mga ito sa kanya.

MMFF may apela sa Hollywood films

Pumayag kaya ang theatre owners at ang Cineko Productions sa panawagang kumakalat sa Facebook?

Showing kasi bukas ang Mang Kepweng Returns ni Vhong Navar­ro at ilang Hollywood films, kaya may panawagan ang supporters ng Metro Manila Film Festival (MMFF). In fairness, sa last day ng filmfest, may pila pa rin sa mga sinehan at nakita namin ito sa Gateway cine­mas.

Ang problema lang, kapag hindi naipalabas ang movies na naka-schedule bukas, magkakaroon ng traffic sa playdate. Sa halip na ‘wag muna ipalabas ang pelikula ni Vhong at ibang Hollywood films bukas, ang hingin na lang ng MMFF supporters ay maglaan ng mga sinehan na MMFF entries ang showing.

BF ni Lovi hindi na nakapagpigil sa bashers

Ang rumored boyfriend na si Chris Johnson ang sumagot sa pamba-bash kay Lovi Poe dahil lang sa kasama nito sa Thailand ang Fil-French guy at dahil nakikitang masaya at ini-enjoy ng aktres ang kanyang bakasyon. Kung anu-ano na ang itinawag kay Lovi ng mga walang magawa, hindi ito sumagot, kaya si Chris na ang sumagot para sa kanya.

“Takes one to know one...& to all you other haters I just can’t help but feel sorry for you...I would pray and hope that this would improve for the sake of your miserable and seemingly boring lives...but then I rea­lized that I am not as forgiving, kind, emphatic and patient as the person you seem to be referring to.”

Hindi na sumagot ang pinatungkulan ni Chris ng kanyang post, pero umariba pa rin ang ibang ba­shers na tila hindi pa naka-move on sa break-up nina Lovi at Rocco Nacino.

Napansin lang namin na may binura si Lovi na picture nila ni Chris.

Anyway, wala na si­gurong magseselos na fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil napatunayan nilang trabaho lang ang sweetness at ang kissing scenes nina Lovi at Tom sa Someone To Watch Over Me. Masaya ang dala­wa sa kani-kanyang partner.

Magkasama nga­yon sa Yuma, Arizona sina Tom at Carla at pagdating ng aktres, may welcome cake sa kanya ang parents and family ng binata.

Kris matagal napahinga!

Tinuldukan na ni Kris Bernal ang haka-haka kung lilipat ba siya sa ABS-CBN o mananatili sa GMA-7 dahil pinili niya ang huli. Isa sa clue na hindi lilipat ng network si Kris ay nang dumating siya sa New Year Countdown ng network.

Sa kanya ibinigay ang remake ng Impostora na ginawa dati nina Sunshine Dizon at Iza Calzado. Hindi pa sinasabi kung sino ang makakasama ni Kris, but at least, may show na siyang bago.

Si Rafael Rosell pa lang ang nabalitang leading man, nabanggit si Gabby Eigenmann na mukhang malabo dahil nasa My Love From The Star ito.

Siguradong excited nang muling magtrabaho si Kris dahil matagal na ang Little Nanay. 

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with