^

PSN Showbiz

Nora naging misis din ng tibo, Rosanna kasal na sa lesbian lover

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Nora naging misis din ng tibo, Rosanna kasal na sa lesbian lover

Nora Aunor

SEEN: Si Butch Francisco ang naghatid kay Rosanna Roces sa altar sa same-sex wedding nito noong Sabado sa kanyang lesbian lover na si Blessy Arias. Muntik nang mapagkamalan na si Butch ang “groom” dahil may resemblance sila ng tomboy na pinakasalan ni Rosanna.

Butch lang ang nickname ni Butch pero hindi siya ang Butch na nangako ng forever sa dating sexy star.

SCENE: Dumalo si Nora Aunor sa same-sex wedding nina Rosanna Roces at Blessy Arias dahil isa siya sa mga ninang sa kasal na hindi kinikilala sa Pilipinas.

SEEN: Hindi stranger si Nora Aunor sa same-sex wedding dahil nagpakasal din siya sa kapwa babae noong 2000. Ikinasal si Nora kay Nori Sayo noong May 22, 2000 sa Las Vegas.

SCENE: Sina Benjamin Alves at Shamcey Supsup-Lee ang mga host ng grand kick off ng Miss Universe 2016 sa Conrad Hotel noong December 10. Special guest sa grand kick off si Miss Universe Pia Wurtzbach.

May “nakaraan” sina Benjamin at Pia noong hindi pa ito nananalo na Miss Universe.

SEEN: Pinasaya kahapon nina Coco Martin, Yassi Pressman, at Awra Briguela ang mga OFW dahil sila ang featured stars sa Isang Pamilya Tayo Grand Fans Day sa Hong Kong.

SCENE: Para sa libro na Making of a Queen ang pictorial nina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Internatio­nal 2016 Kylie Verzosa.

Ang mentor ng tatlo na si Jonas Gaffud ang publisher ng Making of a Queen.

SCENE: Gumawa ang ABS-CBN ng congratulatory message para kay Andi Eigenmann dahil sa hinaing ni Jaclyn Jose na hindi ipinalabas sa news program ng Kapamilya network ang balita tungkol sa Best Actress award na napanalunan ng kanyang anak sa 64th FAMAS noong December 4, 2016.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with