^

PSN Showbiz

Kris inuna si Vic kesa sa asawa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kris inuna si Vic kesa sa asawa!
Kris Aquino at Maine Mendoza

PIK: Ikakasal na pala ang kasamahan dati nina Jona at Aicelle Santos na si Maricris Garcia sa December 16 sa non-showbiz boyfriend niya.

Nalaman naming bahagi ng entourage si Aicelle, pero si Jona o ang dating Jonalyn Viray ay hindi raw imbitado.

PAK: Nilinaw ni Sunshine Dizon sa presscon ng afternoon drama series niya sa GMA-7 na Ika-6 na Utos ang isyung lumabas na binigyan daw siya ng asawa niyang si Timothy Tan ng lupa’t bahay kaya nakipag-ayos na ito. Ayon kay Sunshine, walang binibigay na bahay ang asawa niya. Mula raw iyon sa ama ni Timothy at matagal na raw nila itong napag-usapan.

Ani Sunshine, “Wala pong ibinibigay ang asawa ko sa akin na kahit ano. I’m just very thankful that I have a very good and loving father-in-law. ‘Yung pinag-uusapan po na bahay na ‘yan was from my father-in-law not from Tim,” kumpirma niya .

Sa Lunes, December 5 na magsisimula ang Ika-6 Na Utos na malaki ang pagkakahalintulad sa pinagdaanan ng aktres ngayon.

BOOM: Si Maine Mendoza nga ang double M na tinutukoy ni Kris Aquino na makakasama niya sa kanyang bagong digital show na hindi kami sure kung #ThisisReal ang title. Nai-post lang niya sa kanyang IG account nu’ng nakaraang Lunes na excited daw siya sa makakasama niya sa Miyerkules. Si Maine nga ito na nakasama niyang manood ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa UP Town Center.

Dinagsa ng napakaraming komento ang IG post ni Kris kasama si Maine. Tuwang-tuwa ang fans ni Maine, at kahit si Carla Abellana ay nag-comment din.

May ilang nagtanong kay Kris kung kailan naman daw niya panonoorin ang The Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin. Sinagot ito ni Kris na ngayong araw daw sila manonood ni Bimby.

Parehong malakas ang dalawang malaking pelikulang ito na nagbukas sa mga sinehan nu’ng kamakalawa. Parehong wish nila na sana humaba pa ito sa mga sinehan kahit papasok na ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

MARICRIS GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with