Aktres pumiyok na ka-live in na ang dyowang foreigner!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2016 - 12:00am

 Magde-deny pa sana ang isang aktres sa tsikang nagli-live in sila ng kanyang boyfriend, pero kinulit siya ng kausap na reporter. Walang choice ang aktres kundi aminin na yes, nagli-live in sila ng BF niyang foreigner sa isang condominium sa BGC sa The Fort.

Kaya lang may ebidensya dahil hindi inalis ng aktres ang cellphone sa harap nito na nagri-record ng kanilang usapan. Masaya rin umano siya at ikinuwentong very supportive ang guy sa kanyang career. Pinu-push nga raw siya nito to workout dahil kailangan sa trabaho niya.

Sana lang, ‘wag munang magbuntis ang aktres dahil bata pa siya at marami pa siyang pangarap na maabot sa kanyang career at para sa kanyang pamilya.

Raymart Ipinatigil ang pag-ere ng pananakit kay Santino

From a source, nalaman naming nakiusap si Raymart Santiago na ‘wag nang ilabas ng GMA-7 ang pahayag niya nang makausap ng isang reporter. Ito ang rason kung bakit walang report ang home network ng aktor sa latest issue sa kanila ni Claudine Barretto tungkol sa anak nilang si Santino.

May nagtsika rin sa amin na hindi lang dinalaw ni Raymart sa St. Luke’s Global si Santino, ito rin ang nagba­yad ng hospital bills ng anak.

From another source, agad daw tinawagan ni Claudine ang mom ni Raphael Santiago na si Marilou sa nangyari sa kanilang mga anak. Hindi na ikinuwento ng aming source kung ano ang exchange of words ng dalawang babae at hindi na rin namin pinilit magkuwento ang aming source.

Anyway, umaasa ang mga kaibigan nina Raymart at Claudine na maaayos ang latest family problem nilang ito. Tama ang comment ng ilang netizens na malapit na ang Kapaskuhan at parang hindi maganda kung may hindi pagkakaunawaan ang estranged couple dahil ang mga anak nila ang magsa-suffer.

Arriane umamin sa setup nila ni Rocco

Kasama sa cast ng Ika-6 Na Utos si Arianne Bautista bilang si Selma, ang kaibigan ni Georgia (Ryza Cenon) na pumipigil sa mga maling gawain nito. Masaya si Arianne to be part of a big cast at magagaling na artista at maidirek ni Laurice Guillen.

Si Arianne rin ang blind item nina Pancho Magno at Sanya Lopez na nakausap ng press people sa taping ng Encantadia na diumano’y idine-date ni Rocco Nacino. Hindi lang namin nakumpirma kay Rocco ang tungkol dito dahil umiwas ito.

Sabi naman ni Arianne, good friends lang sila ni Rocco at business partner niya sa newly opened Backyard Kitchen & Brew Restaurant sa BGC. Hindi raw nila alam na pareho silang business partner ng resto at nagkagulatan nang magkita.

Ang picture raw nila sa social media na nasa isang boat ay hindi date, nagkayayaan lang daw sila. Never pa silang lumabas na silang dalawa lang at laging kasama ang kanilang mga kaibigan.

Okay kay Arianne si Rocco dahil good guy daw ito, but as of now, friends lang talaga sila. Hindi rin siya nagalit kina Pancho at Sanya na na-blind item siyang idini-date ni Rocco.

Marian ipinalipat sa sosyal na ospital si Boobay

Kakuwentuhan ng press people si Allan K sa last taping day ng Superstar Duets kung saan, isa siya sa judges kasama sina Aicelle Santos at Christian Bautista. Nabanggit si Boobay sa tsikahan at sabi ni Allan K ang alam niya ay apat na araw na sunud-sunod na walang tulog si Boobay sa rami ng raket nito. Pati nga raw for the love (no money involved) ay pinupuntahan nito.

Nadalaw na sa ospital ni Allan si Boobay at hindi pa nakakakilala ang komedyante, pero conscious na. Nang tanungin niya kung kilala siya nito, ang sagot nito ay “ako ang iyong tunay na ama.”

Si Allan K din yata ang nagbalitang mula sa Capitol Medical, ipinalipat ni Marian Rivera sa St. Luke’s Global si Boobay.

Anyway, magtatapos na nga sa December 17 ang Superstar Duets at masaya si Allan sa top three na finalists.

In-update nga pala ng boyfriend ni Boobay ang friends at followers ng komedyate sa Instagram (IG) sa kalagayan ng komedyante. Ang balita nito, maganda ang prognosis ng mga doctor kay Boobay.

Nag-post naman ang kaibigang komedyante ni Boobay na si Ate Gay ng, “Di ako nagkamali ng pakiramdam na mabuting tao si Marian...salamat sa pagsagip kay boobay ha...mamahalin ko kayo habang akoy nabubuhay...salamat salamat salamat.”

RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with