_ngayon
^
John pumiyok na maraming bading na actor sa Dos! Girdle ni Kris pinag-iinteresan ng bashers!
John Lapus

John pumiyok na maraming bading na actor sa Dos! Girdle ni Kris pinag-iinteresan ng bashers!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2016 - 12:00am

SEEN: Ang kontrobersyal na statememt ni John Lapus sa presscon kahapon ng Working Beks na mas marami ang bading na aktor at singer sa ABS-CBN kesa sa GMA-7.

SCENE: Sina Zanjoe Marudo, Derek Ramsay at Tom Rodriguez ang mga aktor na crush ni Prince Stefan dahil mahilig siya sa mga lalake na moreno.

SEEN: Wala si Joey Paras sa presscon ng Working Beks dahil nagpapahinga pa siya matapos sumailalim sa angioplasty procedure. Hindi pa rin nagre-report si Joey sa Sunday PinaSaya.

SCENE: Pinaglalaruan ng bashers at haters ang press release ni Kris Aquino na size 26 na ang waistline niya. Ipinagkakalat ng bashers ni Kris na gumagamit siya ng girdle para magkaroon ng hugis ang katawan niya.

SEEN: Pinayagan si Dingdong Dantes na mag-promote ng pelikula ng Star Cinema sa bakuran ng GMA-7 bilang suporta sa kanya ng mother studio niya. Exclusive contract star si Dingdong ng Kapuso Network.

SCENE: Ang nalalapit na pagbubukas ng Belo Medical Clinic branch sa Conrad Hotel Manila ang pinagkakaabalahan ni Dra. Vicki Belo. Ang Conrad Hotel branch ang pinakamaganda sa mga clinic ni Dra. Belo.

SEEN: Nag-celebrate kahapon si Enchong Dee sa ASAP ng 10th anniversary niya sa showbiz at ng kanyang 28th birthday. Noong November 5 ang actual birthday ni Enchong.

JOHN LAPUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with