^

PSN Showbiz

Noli mananakot uli sa Jeepney TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mangunguna sa biyahe ngayong buwan ng Nobyembre ang mga natatanging documentaries ng ABS-CBN News and Current Affairs sa Jeepney TV kabilang na ang pinag-usapang pagbabalik ng mga kuwento ng katatakutan ni Noli De Castro sa Kabayan Special Report: Kababalaghan.

Muling tunghayan si Kabayan bukas sa rerun ng inabangang dokyumentaryong nagdala ng takot at kilabot noong Halloween na siguradong magpapa­tindig muli sa balahibo ng bawat manonood.

Maliban naman sa kuwento ng kababalaghan, mapapanood din ngayong buwan ang Muling Buk­­­san ang Puso, na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee simula November 14. Samantala, isang espesyal na tugtugan naman ang hatid ng Para sa Bayan: Ryan Ryan Musikahan na magpapaindak sa mga manonood ngayong November 26.

Hindi rin naman pahuhuli ang mga aksyon sa Biyaheng Retro: Action Heroes kung saan mas makikilala ng lahat ang Pinoy action icons gaya nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, Coco Martin, at iba pang magagaling na action stars na ipapalabas nga­yong November 20.

Bukod sa drama at aksyon, dapat ding aba­ngan sa Jeepney TV ang ilan sa mga dokyumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs. Isa na nga rito ang award-winning documentary na Mukha, ang kuwento ng pagsisikap at pag-asa ng isang sand diver mula Davao na ipapalabas nga­yong November 20. At ngayon namang November 27, samahan si Atom Araullo sa kanyang paglalakbay mula Malabon hanggang Norway upang talakayin ang lumala­lang issue ng global warming sa Best TV Special ng 38th Catholic Mass Media Awards na Warmer.

Balikan ang mga masasayang tagpo ng mga pinakapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapa­pa­nood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

NOLI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with