Bato agaw eksena sa Las Vegas!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2016 - 12:00am

Ngayon ang arrival ni Senator Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California, matapos ang successful fight niya sa American/Mexican boxer na si Jessie Vargas na numero uno na echosero dahil sa kanyang pralala na hindi siya na-hurt sa mga suntok ng Pambansang Kamao.

Kasama ni Papa Manny sa biyahe niya mula sa Amerika ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at si PNP Chief Director Ronald “Bato” dela Rosa na nakaw-eksena sa boxing arena ng Thomas & Mack Center.

Umuwi agad si Papa Manny sa Pilipinas dahil gaya nang sinabi niya noon, ang pagiging senador ng bansa ang kanyang priority. Saka wala nang dahilan para magtagal pa siya sa Amerika dahil sa kanyang mga responsibilidad bilang senador.

Anne emosyonal sa finish line ng marathon sa New York

Maligayang-maligaya si Anne Curtis dahil natupad ang dream niya na makasali sa New York City Marathon noong Linggo.

Fulfilled na fulfilled ang pakiramdam ni Anne dahil natapos niya ang marathon na taun-taon eh dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi nag-iisa si Anne dahil nag-join din sa marathon sa New York City si Kim Atienza at ang mga kababayan natin na hindi celebrity.

Ang makasali sa marathon sa New York ang isa mga bucket list ni Anne na nagkaroon ng katuparan.

May-I-share ni Anne sa kanyang fans and supporters ang kanyang pakiramdam nang marating niya ang finish line.

“I can’t explain how fulfilling it is when you cross the finish line. It certainly isn’t easy but the whole experience is worth the physical pain.

“Each borough (there were 5) had a different feel, music and vibe. The spectators are there to cheer you on, give you power up high-fives and push you when you feel like you want to stop.

“To all the kababayans that were out there today to cheer me on... screaming and some even with posters, Maraming Salamat.

 Nakakaiyak and ‘yan po ang dahilan kung bakit halos hindi nawala ang ngiti ko. After my first... I would like to conquer more! 26.2 or 42.165 dedicated and inspired by the FILIPINO YOUTH and it’s through God’s grace, I FINISHED.”

Lani mala-superwoman 

Hindi umaalis si Lani Mercado sa tabi ng kanyang mister na si Bong Revilla, Jr. na isinugod at naka-confine sa ospital dahil sa pagsusuka at matinding pananakit ng ulo.

Kahit nag-aalaga siya kay Bong, tuloy ang pagta­trabaho ni Lani bilang alkalde ng Bacoor City na muling pinarangalan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government.

Personal na tinanggap ni Lani mula kay DILG Secretary Ismael Sueno ang parangal sa Bacoor City sa SGLG National Conferment Ceremony na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza noong last week ng October 2016.

Pinuri ni Secretary Sueno ang performance ng mga opisyal ng Bacoor City at ang commitment nila sa city government na tapat at mahusay na pamahalaang local.

Hindi matutupad ang magagandang pangarap ni Lani para sa Bacoor City kung nag-iisa lamang siya kaya pinasasalamatan niya ang masisipag na  City Council, Department at Unit Heads, mga empleyado at volunteers.

Inialay ni Lani sa Diyos at sa lahat ng residente ng Bacoor City ang award na ipinagkaloob ng DILG.

Superwoman talaga si Lani dahil napagsasabay niya ang kanyang mga obligasyon bilang asawa, ina at mayor ng Bacoor City na hindi madali na gawin.

LAS VEGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with