_ngayon
^

Vic nadagdagan na naman ang apo!

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2016 - 12:00am

Nadagdagan na naman ang apo ng veteran TV host-comedian-producer and celebrity endorser na si Vic Sotto sa paglabas ng kanyang ika-apat na apo mula sa mag-asawang Oyo at Kristine Hermosa-Sotto na pinangalanang Marvic Valentin Sotto II (real name rin ni Vic).

Ang cute baby ng mag-asawang Oyo at Kristine ay isinilang noong gabi ng Sabado, November 5.

Ang mag-asawa ay may apat nang supling, ang kanilang adoptive son na si Kier at sina Ondrea Bliss at Kaleb.

Bukod sa mag-asawang Oyo at Kristine, si Bossing (Vic) ay may dalawa pang apo sa kanyang panganay na anak (sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie) na si Danica Sotto-Pingris sa mister nitong si Marc Pingris na sina Anielle Micaela at Jean Michael.

Ngayong nakapag-silang na si Kristine at may anim na apo si Bossing, kailan naman kaya sila magkakaroon ng baby ng second wife niyang si Pauleen Luna?

Samantala, kung masayang-masaya ngayon ang pa­kiramdam ni Oyo, uma­asa rin siyang ma­kakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang movie na pinagbibidahan ng kanyang ama, ang Enteng Kabisote 10 kung saan din siya kasali.

“Ang Enteng Kabisote 10 ay para sa mga bata at sa buong pamilya,” pahayag ni Oyo tungkol sa pelikula

Yohan sa kawanggawa pinag-birthday nina Juday at Ryan

Napakasuwerte ng adoptive daughter ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo na si Yohan dahil lumaki siyang well-loved ng kanyang adoptive parents at young siblings na sina Lucho at Luna.

Tangan na rin niya ang apelyidong Agoncillo matapos siyang i-adopt ng kanyang adoptive dad na si Ryan na binigyan ng advance birthday treat ng mag-asawa sa kanyang ika-12th birthday last Saturday, November 5 sa Elsie Gaches Village in Alabang, Muntinlupa.  Bukod sa mag-asawang Juday at Ryan at Yohan, kasama rin nila sina Lucho at Luna sa nagpasaya sa mga taong may special needs at developmental disorder.

Ang actual birthday ni Yohan ay ngayong araw, November 7.

VIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with