Ellie
Ellie
Jaclyn tinarayan? si Jake; A?nak ni Andi naka-bonding sina ?Erap at Laarni!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2016 - 12:00am

Pinagdedebatehan ng netizens kung peke o totoong picture ang pinost ni Jerika Ejercito sa Instagram (IG) na magkakasama sina Manila Mayor Joseph Estrada, Laarni Enriquez, at Ellie Eigenmann (apo nila kay Jake Ejercito). Para raw kasing ipinatong ang picture ng tatlo. Ang caption ni Jerika sa picture ay “Our Princess with Daddlo and Grandma.”

Pero pinost ni Jake Ejercito ang same picture sa IG niya at ang caption ay “Last night was a good night.” Ang ibig sabihin, dinala niya ang anak nila ni Andi Eigenmann at iniharap sa grandparents nito.

Minsan nang nabanggit ni Laarni sa mga reporter na tanggap niya ang apong si Ellie at ganu’n din siguro si Erap lalo’t kita ang mahigpit na hawak sa braso ng bata.

Sana everybody happy na, kaya lang, pumasok si Jaclyn Jose sa IG ni Jake at nag-comment sa picture na “I’ll slay all your dragons for you, my princess.”

Ang reaction ni Jaclyn sa post ni Jake: “She will always a princess before you and will always be. I slayed all the dragons before you. You could have slayed the dragons before this. But you chose not to. You can’t all of a sudden slay. You do not have the tool...”

Hindi na sumagot si Jake, ang followers nito ang sumagot para sa kanya at wala pa ring reaction si Andi Eigenmann. Hindi pa tapos ang isyung ito, but at least, masaya ang Pasko at Bagong Taon ni Ellie dahil may ama na siyang kasamang magsi-celebrate.

Janine pinagbintangang ginaya ang pose ni Liza!

Hindi nagtaray, pero nag-react si Janine Gutierrez sa comment ng fan ni Liza Soberano na ginaya nito ang pose ng Kapamilya actress sa isang magazine cover. Sabi ng fan, naunang ginawa ni Liza ang pose ni Janine at ginaya lang ng Kapuso star.

“Oh no, I didn’t realize!!! I’m a fan of Liza’s! The team’s inspiration for this was Linda Evangelista & Madonna’s Tru Blue and somehow this is what they chose. I don’t understand why women have to be pitted against each other all the time though. No need to hate,” sagot ni Janine.

Marami ang nag-agree sa sagot ni Janine dahil totoo namang hindi nila parehong kasalanan ni Liza kung nagkahawig ang pose nila dahil ang photographer at team ang nag-decide nito. Humarap lang siya sa camera at sinunod ang pose na sinabi sa kanya.

Anyway, malapit na ang airing ng Relationship Goals episode nina Janine at Aljur Abrenica sa Usapang Real Love (URL). Tama ba kaming sa November 20 na ang pilot ng four-episode na tatampukan nina Janine at Aljur?

AiAi at Juday magsasalpukan

Sabay ang showing ng Area ni AiAi delas Alas at Kusina ni Judy Ann Santos sa November 9 at i-wish nating parehong kumita ang dalawang pelikula.

Unang ipinalabas sa Cinemalaya ang Kusina mula sa direction nina Cenon Palomares at David Corpuz. Kasama sa cast sina Luis Alandy at Joem Bascon.

Ipinalabas na sa ibang bansa ang Area at naging closing film sa QCinema sa direction ni Louie Ignacio. Kumbaga, birthday presentation ito ni AiAi dahil birthday niya sa November 11. Sa nasabi ring petsa igagawad kay AiAi ang Papal Award niya sa Cathedral of the Good Shepherd sa Novaliches, kaya doble-doble ang saya nito.

Dimples mabenta pa rin sa aktingan

Hindi nawawalan ng project si Dimples Romana sa pelikula man o telebisyon. Kasama siya sa cast ng Regal Films na The Escort bilang isa sa mga escort girl. Panalo ang mga dialogue at eksena ng aktres lalo na ‘yung eksenang nilalatigo siya ng cus­tomer at ‘yung nawalan siya ng one million pesos.

Nasa cast din si Dimples ng The Unmarried Wife ng Star Cinema at dahil bukas pa lang ang presscon, hindi pa alam ang kanyang role. Ang sigu­rado nito, tatatak na naman sa moviegoers ang mga linya at acting ni Dimples.

Ngayong araw, November 2, ang simula ng showing ng The Escort at sa November 16 ang The Unmarried Wife. Suportahan natin ang dalawang pelikula at lahat ng local films para muling sumigla ang pelikula sa bansa.

JERIKA EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with