_ngayon
^
Lovi huhusgahan na ang pag-escort!
Lovi

Lovi huhusgahan na ang pag-escort!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2016 - 12:00am

Huhusgahan na ang pelikulang The Escort na nakatakdang ipalabas ngayong araw, November 2. Pinangungunahan ang pelikula ng Kapuso actress na si Lovi Poe na naging hot item nitong mga nagdaang araw.

Mainit ang mga eksena ni Lovi sa pelikula bilang si Yassi na pinasok ang kakaibang ‘negosyo’ para maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang dalawang kapatid.

Si Xyrus (Derek Ramsay) ang nag-impluwensiya kay Yassi na sumawsaw sa ganitong negosyo.

Kaya lang, nahirapan si Xyrus na kumbinsihin si Yassi na mag-escort agad.

Pero makikilala niya ang isang super yamang si Gary Montenilla (Christopher de Leon).

Mai-in love si Gary kay Yassi at aalukin ng kasal.

Pero nag-confess ng pagmamahal si Xyrus kay Yassi na umaasa lang sa suporta ng misis ng isang pulitikong nakulong.

Ano ang pipiliin ni Yassi pag-ibig o forever na kaginhawaan?

Aminado si Lovi na ito na ang boldest movie niya ever. “Pero may katuturan naman ang ginawa at mapapanood ‘yun sa movie. Hindi lang naman siya basta hubaran.

“Wala akong pinagsisihan. Alam kong hindi ko ginawa ito dahil trip lang. Maganda ang kuwento,” paniniyak ni Lovi sa isang interview.

Hindi na ngayon holiday kaya inaasahang daragsa ang mga manonood ng pelikulang idinirek ni Enzo Williams for Regal Films.

Viva at Vicor naka-50 years na!

Belated happy birthday and congratulations to Boss Vic del Rosario na pinagkalooban ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award ng Star Awards.

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang mga naiambag sa industriya sa loob ng 50 years.

Yup, 50 years na pala ang itinatag nila noon ni Mr. Orly Ilacad na Vicor Records. Taong 1966 nang simulan nilang magpinsan ang Vivor.

Year 1982 naman nang itatag ni Mr. Del Rosario ang Viva Records. Sa kasalukuyan, si Mr. Del Rosario pa rin CEO ng Vicor and Viva.

Ang Vicor at Viva Records ay bahagi ng Viva Group of Companies.

Ayon sa bossing ng Viva, tulad sa ibang negos­yante ang isa sa problemang hinarap ng kumpanya sa kanilang limang dekada sa industriya ay kung paano makakakuha ng mga mahuhusay na artist, composer, arranger at kung papaano ito maipo-promote at makarating sa mga music outlets sa buong mundo.

Na nagawa naman nila ng ayon sa kanilang mga plano dahil nanggaling sa Vicor at Viva ang karamihan sa mga sumikat na singer noon at ngayon.

Kasama sa Top 5 record-breaking album ng Viva ayon kay Boss Vic ay sina Regine Velasquez, Jaya, Zsa Zsa Padilla, Ogie ALcasid, and Sarah Geronimo.

Sa Vicor Records ay sina Pilita Corrales, Victor Wood, Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, and Rico Puno.

Ilan naman sa pinakaunang recording artist nila sina Orly Ilacad, Jeanne Young, Helen Gamboa, Norma Ledesma and Victor Wood,   Regine Velasquez, Jaya, Zsa Zsa and Sharon Cuneta.

“Kaiba sa mga ibang industriya, ang takbo ng music business ay pabagu-bago. Nandiyan ang panahon na nauso ang ballads, kung minsan dance music, kung minsan novelty. Ang mga record producer ay kailangang merong pulso nang kagustuhan ng mga music patrons,” kuwento niya sa ginawang interview para sa souvenir program ng Star Awards.

Kaya naman na-master na niya ang industriya. Alam na niya kung paano mag-adjust sa panahon.

“Ang tagumpay ng isang production ay dumedepende sa recording artists, sa composition, sa arranger, sa musician, sa promotion at sa distribution. Ang success ng isang production ay dumedepende sa kumbinasyon ng lahat ng nabanggit. Hindi lamang dahil magaling ang artist ay magiging matagumpay na ang recording kung wala ang mga elementong unang nabanggit,” sabi pa niya.

“Sa kabuuan, ang Viva Records at Vicor Records ay nanguna sa pagsuporta at pag-promote ng Original Pilipino Music (OPM).”

Hangggang ngayon, nannaatiling aktibo si Boss Vic sa pamumuno ng Viva Group of Companies.

Patuloy siya sa pagdiskubre at itinuturing nga siyang henyo dahil nga sa mga ginawa niyang pagdiskubre sa mga career nina Sarah, James Reid and Nadine Lustre, at siyempre si Anne Curtis, at maraming-marami pang iba.

LS tuluyan nang naadik sa Korean drama, parang si Janice

Confirmed na Korean drama addict na si Nay Lolit Solis.

Habang ang karamihan sa showbiz ay nasa bakasyon, nagliliwaliw, at ang karamihan ay ginugunita ang Araw ng mga Patay, siya naman ay abala sa panonood ng Innocent Man, ang lumang drama series ng super idol niyang si Song Joong Ki.

Luma na ‘yun ha. Parang almost two years na yata ang nasabing palabas.

Nag-umpisa ang pagka-adik ng talent manager/entertainment columnist sa nasabing Korean actor nang mapanood niya ang Descendants of the Sun na ilang ulit na rin niyang pinanood.

Bukod kay Song Joong Ki, nababaliw din si Nay Lolit kay Kim Soo-hyun na nagbida naman sa Korean drama na My Love From Another Star.

Grabe ang pagka-in love niya sa dalawa.

At ang the height, naka-schedule siyang bumiyahe sa Korea hoping na masisilayan kahit man lang anino ng kanyang dalawang idolo. Pinipigilan lang nga siya, pero gusto niyang sugurin ang Korean Embassy sa bansa para magpatulong na makita ang kanyang mga idol.

Hahaha. Kung kelan naging senior saka naman naadik sa mga bagets na Korean actor.

Actually, hindi lang naman si Nay Lolit ang adik sa K drama. Si Janice de Belen ay ganyan din. Level up nga siya dahil madalas siyang bumiyahe sa Korea. Doon nga siya nagpalipas ng Undas.

Kung bakit naman kasi ang gaganda ng story ng mga K Drama.

THE ESCORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with