Angelica Panganiban
Angelica napapanganga kay Dingdong
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2016 - 12:00am

Muling nagkatambal sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes para sa pelikulang The Unmarried Wife. Kasama rin sa nasabing proyekto si Paulo Avelino.

Ayon kay Angelica ay malaki na ang ipinagbago ni Dingdong bilang aktor ngayon kumpara sa huli nilang pagtatambal sa pelikulang One More Try noong 2012. “Ang laki ng difference ngayon ni Dingdong. Talagang napapanganga ako sa kanya ngayon kapag umaarte siya. Hindi ko ini-expect, sobrang flawless ng performance na pinakita niya. Ang galing-galing niya. Ang laki siguro na naitulong ‘yung sobrang tahimik at masaya ‘yung buhay niya. Parang wala na siyang insecurities sa katawan niya,” paliwanag ni Angelica.

Samantala, ayon naman sa direktor ng pelikula na si Maryo delos Reyes ay talagang isa si Angelica sa mga magagaling na aktres na mayroon tayo sa industriya ngayon. “Siya ‘yung dapat i-elevate na natin na superstars na. Kasi kailangan iakyat na natin sila na. We need space in the industry to move everybody. Kasi ang dami na ring mga bata na gustong pumasok. So we have to push,” pahayag ni direk Mario.

Mapapanood na sa mga sinehan ang The Unmarried Wife simula sa November 16.

Darren aliw sa unang digital concert

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Darren Espanto na magkaroon ng isang digital concert na ginanap noong Linggo ng gabi. May titulong The Other Side of Darren ang nasabing event na may livestream sa OneMusic.ph. Para kay Darren ay masaya ang pagkakaroon ng digital concert.

Nakailang concert na rin ang singer sa iba’t ibang venue pero ngayon lamang siya nagkaroon ng ideya kung ano ang isang digital concert “Ang saya kasi parang chill lang ho talaga siya. Saka I got to see all the Darrenatics din and nakaka-interact ko sila. And then, I got to do dares as well and also, I got to interact with the friends that came and fans on stage. So it was a lot of fun. Pwede kang magtagal sa mga spiels, you can have impromptu sessions as well,” nakangiting pagdedetalye ni Darren.

Samantala, ngayong buwan ay pinaghahandaan na ng singer ang kanyang mga shows na gagawin sa Amerika at Canada. “I’m going to Canada for a tour with Sing Pilipinas and then also in the US for the Total Experience Live at the Santa Clara Convention Center. Pagbalik ko po sa December, abangan n’yo po, more mall shows,” pagbabahagi ni Darren.

ANGELICA DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with