Miss Philippines Earth Imelda Schweighart
Imelda beauty queen daw na galing impyerno!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2016 - 12:00am

Negang-nega pala talaga si Miss Philippines Earth  Imelda Schweighart dahil sa mga pang-ookray niya sa ibang mga kandidata ng Miss Earth 2016. Tama ba na bansagan si Imelda na “beauty queen from hell” dahil sa mga kamalditahan na ibinibintang sa kanya.

Sa true lang, type ko ang pagiging maldita ni Imelda dahil hindi siya natatakot na i-express ang kanyang mga saloobin as in nagpapakatotoo siya na hindi matanggap ng detractors niya. Kung ako ang nasa lugar ni Imelda, hindi ako maiinsulto na tawagin na beauty queen from hell dahil Halloween naman. Hindi na niya kailangan na magsuot ng nakakatakot na costume.

Luhaan man siya sa Miss Earth, natalbugan pa ni Imelda ang winner mula sa Ecuador dahil siya ang may pinakamarami na free publicity ha?

The Escort maganda ang play date

Bukas na ang showing sa mga sinehan ng The Escort, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. Starring sa The Escort sina Christopher de Leon, Derek Ramsay, at Lovi Poe.

Ang maging blockbuster ang pelikula nila ang selfless na birthday wish ni Christopher na nagdiwang kahapon ng kaarawan.

Bongga ang mga publicity ng The Escort at pinag-uusapan ang mga love scene ng pelikula kaya marami ang nagsabi na panonoorin nila ang bagong pelikula ng film company ni Mother Lily Monteverde. Maganda ang playdate ng The Escort dahil suweldo noong October 30. May budget ang moviegoers para manood ng sine at personal na tuklasin kung bakit maingay na maingay ang love scene nina Lovi at Derek sa The Escort.

TJ second choice na beks

So what kung second choice si TJ Trinidad sa gay role niya sa Working Beks? Mismong ang direktor ng pelikula na si Chris Martinez ang nagsabi na very effective si TJ sa baklita character nito sa pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 23.

First time ni TJ na gumanap na bading sa wide screen pero nagampanan niya nang buong husay ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films. Ang sey ni Chris, sobrang husay ni TJ bilang bading na executive ng isang kompanya. Mas tinutukan nga raw niya ang mga acting nina Joey Paras at John Lapus sa pelikula na may puso at must see movie ng madlang-bayan.

Showbiz na-enjoy ang holiday

Holiday kahapon kaya walang taping ang mga artista ng teleserye at pelikula. Back to work sila bukas pagkatapos ng paggunita ngayon sa All Saints Day. Maraming artista ang nagbakasyon sa bansa dahil sa long weekend at fly sa Japan ang karamihan sa kanila.

Piyesta naman ang atmosphere kahapon sa isang mall sa Quezon City dahil sa trick and treat na pakulo nila. Enjoy na enjoy ang less fortunate children dahil sa dami mga candy na kanilang naharbat mula sa mga establishment ng Quezon City Mall. Hindi na sila nagsuot ng Halloween costume dahil karamihan sa kanila eh nagsuot ng mga gula-gulanit na damit. Hindi sila hinarang ng mall security guards dahil sa akala na sinadya nila na magsuot ng mga gusgusin na costume.

Kanya-kanyang paraan at diskarte ang ginawa ng mga batang yagit at nagtagumpay sila.

Hahamakin lumarga na...

Nag-thank you ang mga artista ng Hahamakin Ang Lahat sa mga nanood kahapon ng pilot episode ng drama series nila sa GMA-7.

Kahit hindi pa mapapanood ang kanilang mga eksena, nagpaabot na rin ng pasasalamat sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, ang lead stars ng Hahamakin Ang Lahat.

Ipinakita muna sa unang episode ng Hahamakin Ang Lahat ang history ng friendship ng mga karakter nina Snooky Serna at Eula Valdez dahil ito ang pag-uugatan ng conflict ng kuwento ng bagong afternoon soap ng Kapuso Network.

IMELDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with