Paolo
Paolo nag-feeling Angelina Jolie
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2016 - 12:00am

Ibang klase talaga si Paolo Ballesteros! Rumampa kasi sa red carpet ng Tokyo International Film Festival in Tokyo, Japan ang isa sa gumaganap na tatlong “lolas” na si Loda Tinidora na naka-modern Filipiniana gown with matching Angelina Jolie look.

 Ang pelikulang pinagbibidahan ni Paolo na Die Beautiful, isang transgender movie mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana ay kasali kasi sa main competition ng Tokyo International Filmfest. Nagsimula last October 25 at magtatapos ng November 3 ang nasabing filmfest.

Ang Die Beautiful ay may dalawang screening sa isang movie house in Roppongi, Tokyo. Isa nu’ng October 25 at 5:50 p.m. at pangalawa sa dara­ting na November 2 at 9 p.m.

Kakaiba ang pakiramdam nga­yon ni Paolo na isa rin sa mga bida ng pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?! kasama sina Anne Curtis at Dennis Trillo na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan nationwide.

Si Paolo ay regular na napapanood sa Juan for All, All For One segment at maging ang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Tintin, Maricel, at Paolo may kampanya laban sa nakakamatay na sakit

Nakita namin ang dalawang celebrity moms na sina Tintin Bersola-Babao at Maricel Laxa-Pa­ ngilinan at celebrity dad na si Paolo Abrera sa “Be A Wall” campaign launch ng Dengue vaccine na ginanap sa Monet Ballroom ng Novetel a couple of days ago. Ang tatlong kilalang celebrities ay nagpakita ng kanilang suporta sa dengue vaccine para maiwasan ang isa sa mga deadly na sakit sanhi lamang ng kagat ng lamok.

Inamin ni Tintin na tatlong beses siyang nagka-dengue habang sina Maricel, at Paolo naman ay naranasan ang nasabing sakit ng kanilang mga anak.

Ini-encourage nina Tintin, Maricel at Paolo ang mga magulang pa pabakunahan ang kanilang mga anak at mga kapamilya simula sa edad na 9 hanggang 45 para hindi dapuan ang mga ito ng killer disease.

Ang kampanya ay naglalayon na mapalawak pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa dengue, ang fastest –growing mosquito borne disease.

Nasa Top 3 ng may pinakamaraming cases ng dengue na talagang nakakamatay.

ANGELINA JOLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with