Jake at Inah real na ang nararamdaman?!
(Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Totoo ba ang nababalitaan namin na nagiging ‘real’ na ang ‘reel’ relationship ng Oh, My Mama stars na sina Inah de Belen at Jake Vargas? Balita kasi na madalas magkasama ang dalawa sa set na kahit na in-between takes ay kapansin-pansin pa rin daw ang closeness ng dalawa.

Totoo kaya na may mutual understanding na sila? May meaning nga kaya ang pag-imbita ni Jake kay Inah sa kanyang concert recently at pagbunyag ni Gladys Reyes na nag-date once ang dalawa?

If ever na totoo nga ito, makuha kaya ni Jake ang approval ng parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada? ‘Yan ang dapat na­ting abangan. 

Samantala, pinakilig at pinasaya nina Inah, Jake, at Jeric Gonzales ang mga Kapuso nating Bicolanos sa Sorsogon City para sa Kasanggayahan Festival noong Sabado! Sweet na sweet sina Inah at Jake sa kanilang inihandang performance para sa kanilang fans. Kaya naman masayang-masaya ang lahat ng fans na nanood sa #jainah loveteam ng Oh, My Mama!

Napapanood ang Oh, My Mama sa GMA Afternoon Prime.

JAKE VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with