Baby Zia hindi bibigyan ng engrandeng first birthday party nina Dingdong at Marian
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2016 - 12:00am

Concert nina Gary V at Gab apektado ng pagtataray ni Digong sa Amerika!

PIK: Walang balak ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na magkaroon ng mala­king birthday party para kay Baby Zia sa susunod na buwan.

Kahit first birthday ni Baby Zia na inaasahang bongga at engrande, ayaw muna nilang gawin ito. Gusto raw nilang simple lang at dadaluhan ng buong pamilya nila.

“Para sa amin dahil ang celebration naman para sa kanya. Maganda ‘yung siya ang pinakamasaya sa araw na ‘yan. Mukhang sa kanyang unang kaarawan hindi pa naman niya malaman na may party para sa kanya. Although sa pictures makikita naman niya,” pahayag ni Dingdong nang makatsikahan namin sa set ng Alyas Robin Hood.

Ganado ang GMA Primetime King sa taping ng Alyas Robin Hood dahil consistent na mataas ang rating nila. Pero kahit nakakapagod ang taping, natatanggal naman ito dahil halos oras-oras ay pinadadalhan siya ni Marian ng litrato nilang mag-ina. Request daw kasi ni Dingdong na i-update siya sa nagaganap sa kanila oras-oras.

PAK: Ibinuko ni Prince Stefan sa interview sa kanya ni DJ Mo Twister sa podcast program niya na naka-bubble bath niya si Aljur Abrenica sa isang raket sa Bohol at naikumpara niyang mas daks pa siya kesa sa kapwa aktor. Pero nu’ng nagpa-interview naman si Rich Asuncion sa programa ni Mo, sinabi niyang daks si Aljur. Maaaring grower si Aljur at siyempre hindi naman siya tinigasan nang makita ang kahubdan ni Prince. Si Prince lang ang nag-init at nagsimula na raw siyang kapa-kapain ang legs ni Aljur nu’ng nasa bathtub na sila.

Pero nahalata ni Aljur na bading ito kaya tumayo siya at nagpalipat ng kuwarto. Pinuri naman nila si Aljur dahil kahit nabuking nitong bading ang kaibigan niya ay hindi nabago ang kanilang friendship. Magkaibigan pa rin silang dalawa.

BOOM: Medyo may kahigpitan nga ba ngayon ang US Embassy sa pagbibigay ng US visa dahil sa announcement ni Pres. Rodrigo Duterte na pinutol na ugnayan ng Pilipinas sa Amerika?

Isa sa naapektuhan ay ang show ng mag-amang Gary at Gab Valenciano sa Los Angeles, California sa October 23 kung saan makakasama rin nila ang ilang American performers.

Hindi raw binigyan ng working visa ang sound engineer nila kaya mapipilitan silang kumuha ng sound engineer sa Amerika. Iba raw talaga sana kung gamay niya ang makakatrabaho pero wala na silang magagawa.

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with