Boy walang ka-malay malay sa pinagsasabi ni Kris, James at Michela tinatago ang mukha ng anak!
(Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2016 - 12:00am

PIK: Ang dating 3rd runner-up Miss Universe na si Shamcey Supsup-Lee ang special guest sa grand opening ng Shopalooza Bazaar ng Marikina Riverbanks na binuo ng Lin­ke­d-in Corporation.

Iniiwasan sana ni Shamcey na mag-com­ment sa isyu ng Miss Universe pero na­gu­lat siya nang nakarating sa kanya ang bagong patakaran ng Miss U na hindi puwedeng magkaroon ng local beauty contest ang isang bansa kung hindi pa nailalaban sa kanila ang reigning title holder.

Hindi naman apek­tado ang Pilipinas dito dahil  ang inilalaban talaga sa Ms. Universe ay ang reigning winner. Ang apektado rito ay ang ibang bansa lalo na sa Latin American countries kagaya ng Colombia, Venezuela, Puerto Rico at iba pa.

Reaksyon ni Shamcey; “Nung nakalaban ko nga dati na Ms. Colombia sa Ms. Universe was the winner of last year. Ewan ko lang ha? Kasi nung pumunta nga ako sa Colombia, ‘yung winner nila dun nabibigyan ng one year to prepare.

“Ang gusto lang naman siguro ng Ms. Universe na pare-pareho ang lu­malaban.”

Iyon nga kasi ang gawain ng mga Latin American countries na ang nanalo ay binibigyan ng sapat na panahong magha­nda. Merong pinaparetoke pa para lalo silang gumanda at handang-handa sa pagsali sa Ms. Universe. Hindi na ngayon pupuwede ang ganung pakulo nila.

PAK: Karara­ting lang ni Kuya Boy Abunda mula Ame­rika kaya hindi raw niya alam ang latest ngayon kay Kris Aquino kung magsisimula na ba siya sa APT Entertainment.

May mga nabanggit siyang off the record na kuwento dahil wala pa naman daw announcement mula sa APT at pati na rin kay Kris. Hindi pa raw sila nagkausap kaya wala pa siyang masabi sa ngayon.

Tinanong namin siya tungkol sa narinig naming wala pang napirmahang kontrata si Kris sa APT, nakiusap siyang huwag daw muna niyang sagutin ‘yun. Mag-uusap pa raw muna sila ni Kris bago niya kami sagutin. Kung ano man ang mga sinasabi ngayon ni Kris sa hu­ling interview sa kanya, hindi raw niya alam ‘yun.

BOOM: Ayaw naman sagutin pa ni James Yap ang komento ni Kris tungkol sa pagkakaroon ng bagong kapatid ni Bimby Yap.

Ang idinadalangin na lang ni James na dumating daw ang pana­hong magkaisip na ng maayos si Bimby at maintindihan ang buong pangyayari.

Huwag na raw pahabain pa ang isyu, ang gusto lang daw niya ay magkaroon sila ng sapat na panahong magkausap ni Bimby at maintindihan ang lahat na nangyayari sa kanila.

Samantala, iniiwasan pa rin nina James at Michela na ilabas ang litrato ng kanilang Baby MJ. Pero isang kaibigan ang nagkuwento sa a­ming sobrang cute daw ng baby at napakamestiso nito. Italyanong mestiso raw ang features ng baby na kopyang-kopya kay Michela.

BOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with