Vic at Pauleen
Vic ‘di makalimutan ang honeymoon nila ni Pauleen
SINUSUWERTE KA! (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2016 - 12:00am

Kapansin-pansin pa rin hanggang ngayon ang pagiging makisig ni Vic Sotto. Ayon sa aktor ay malaki ang naitutulong sa kanya ng asawang si Pauleen Luna upang mapanatili ang kanyang kakisigan. “My wife, she’s always been very supportive to me kahit bago pa naman kami ikasal. Mas lalo na no’ng magsama na kaming dalawa. At ‘yun ‘yung mga quality niya na talagang naibigan ko,” bungad ni Vic.

January nitong taon lamang nagpakasal ang mag-asawa at ngayon ay nagpaplano na raw na magkaroon ng anak. “Totoo ‘yan, try and try until siguro in God’s time na mabiyayaan na ng supling. No pressure, ngayon relax lang, chika lang muna,” nakangiting pahayag ni Bossing Vic.

Ini-enjoy daw ng mag-asawa ang pagpunta sa iba’t ibang lugar upang makapamasyal at makapagpahinga. “Even before we got married, kaming dalawa naman kahit road trip lang. Nagkakatalo na kami kahit papuntang Subic, Bataan or South area. Parang it’s our way from getting away from trabaho,” pagbabahagi ng aktor.

Isa sa mga hindi malilimutang lugar ni Vic ay kung saan sila nag-honeymoon ni Pauleen. “Honeymoon pa rin in Maldives. Pero I know na mayroon pang pwedeng maging mas memorable doon at ‘yun ‘yung mga coming trips pa namin,” giit ng aktor. 

Robin ayaw sumuko sa pagkuha ng US Visa

Kasalukuyang nasa Amerika si Mariel Rodriguez dahil doon nakatakdang ipa­nganak ang kanilang panganay ni Robin Padilla. Sa ikatlong linggo ng Nobyembre naka-due ang ipinagbubuntis ng aktres at maayos naman daw ang kalagayan nito ngayon ayon kay Robin. “Okay siya doon kasi nandoon ang tatay niya, nandoon ang auntie niya. Walang problema pagdating sa usapin kung saan siya nakatira. Spoiled nga siya, binigyan siya ng malaking-malaking kwarto,” nakangi­ting bungad ni Robin.

Balak na ng aktor na sumunod kay Mariel sa Amerika kaya nag-aasikaso na ito ng kanyang US visa. “Naniniwala naman ako na walang dahilan para i-deny ako ng United States of America dahil di naman ako kalaban, mabuting tao naman ako sa palagay ko,” makahulugang pahayag ng aktor.

Samantala, nagbigay din ng update si Robin tungkol sa pamangkin niyang si Mark Anthony Fernandez na nakakulong ngayon dahil nahulihan ng marijuana kamakailan.

Para kay Binoe ay kailangan daw talaga ngayon ni Mark Anthony ng ispiritwal na tulong. “Kailangan ni Mark kasi ang Panginoong Diyos sa ngayon. Hindi kami, hindi ako. Lahat tayo, support lang,” pagtatapos ni Robin.

PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with