Kathryn at Daniel obvious na napiga!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2016 - 12:00am

After kong mapanood ang Barcelona: A Love Untold sa ginanap na block screening nito sa Dolphy Theater na ipinag-imbita ni Elsa Soriano ng Team DJPTF ay hindi na ako nagtaka kung bakit P23-M ang kinita nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas ng pelikula. Ang ganda nito dahil nakakatuwa at nakakaiyak, pero mas nakakalamang ang huli dahil hirap ako na patuyuin ang mukha ko dahil sa luha. Expected ko nang maganda ang movie dahil isang Olive Lamasan film ‘yun, humanga ako sa ipinamalas na acting ng dalawang bida na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Totoo ang sinasabi nila na piniga sila nang husto ni Lamasan para magkaroon ng magandang resulta ang acting nila sa movie na masasabing pinakamaganda ng KathNiel.

In fairness, magaganda ang movies and tele­seryes ng KathNiel dahil pinag-iisipan talaga, pero the best nila ang Barcelona. Ang gaganda ng mga linya na binitawan nila at pati sila ay nag-improve ang looks.

I’m sure mapapauso ni Kathryn ang kulot-kulot niyang hairdo at maging ang bagong hair style ni Daniel. Ang ganda ng mga eksena nilang dalawa. Daniel stood out sa confrontation scene nila ni Isabel Lopez, pero ang revelation sa movie ay ang ex-PBB (Pinoy Big Brother) housemate na si Joshua Garcia na mapi-feel ng audience ang presence.

Magaling na rin si Aiko Melendez, pero hindi niya ito nasapawan at sa halip ay naalalayan ito sa kanila namang confrontation scene. Hindi nasayang ang pagsama nila sa Spain.

Worth it din ang limang taong paghihintay ng fans para sa kissing scenes ng KathNiel. Talagang binawi ng dalawa ang eksena nila na naghalikan sila, walang daya. Hindi lamang one kissing scene ito, marami ang kissing scene na magandang-maganda sa screen. Iba na talaga kapag may relasyon ang mga naghahalikan, naibibigay nila ang kilig na mag­papaligaya sa mga manonood.

Rhian siyam ang award sa pangangarera

Tingnan mo nga naman, hindi lang si Rhian Ramos ang excited sa pagkakapili sa kanya bilang Most Beautiful Filipina 2016 sa isang trending news and online entertainment poll portal kundi pati na ang mga kasamahan niya sa seryeng Sinungaling Mong Puso na hanga sa pagpapamalas nito ng husay sa pag-arte at pagiging seksi. Hindi lamang siya nagsusuot ng mga revealing dresses at lingerie, lumalaban din siya kay Rafael Rosell sa kanilang mga love scene. Marami nga ang naniniwala na ang role ni Rafael ang dahilan ng labis niyang kapaguran at dahilan ng pagkaka-ospital niya.

Si Rhian naman ay pagod din dahil bukod sa SMP ay mayroon pa itong Taste Buddies. Host din siya ng isang car racing program sa Fox Channel kasama si Sam YG. Mayroon din siyang endorsement  na dulot ng pagiging mahusay niya sa car racing. Mayroon na siyang nine awards sa pa­ngangarera ng kotse.

Ang Babaeng Humayo kailangang magka-award sa MMFF

Mabuti naman kung makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz na nagtatampok kina Charo Santos-Concio at John Lloyd Cruz. Mas marami kasi ang makakapanood nito kaysa kung ipalalabas ito ng hindi MMFF. Kaya lamang, baka malagay sa alanganin ang mga magiging hurado na pipili ng mga mananalo kapag hindi nakakuha ng award ang Ang Babaeng Humayo dahil nakuha nito ang pinakamataas na pagkilala sa Venice Film Festival.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with