Sam gustung-gusto ang kapribaduhan ng relasyon nila ni Mari Jasmine
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2016 - 12:00am

Kamakailan ay inamin  ni Sam Milby na kasintahan na niya ang blogger at Filipina-British model na si Mari Jasmine. Masayang-masaya ang aktor dahil tanggap ng kanyang mga tagahanga ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon.

“Yeah! I think they have accepted and I’m really, really happy about that. I think, siguro kung sinabi ko dati no’ng 2010, 2011 or 2012 na may girlfriend ako, hindi nila matatanggap. Kasi kahit paano, malakas talaga ‘yung love team namin ni Anne (Curtis, dating kasintahan ni Sam). The fans are very hopeful. Kahit alam nila na may relationship na si Anne, they are still hoping na magkabalikan kami and I don’t think no’ng time na ‘yon, kung sinabi ko na may girlfriend ako, hindi nila matatanggap,” pahayag ni Sam.

Nakita raw ng aktor kay Mari ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae. “She is very genuine. She is very simple in a very good way. She is not a showbiz person. She’s very private person and I like that. Pati ‘yung pagdating sa relasyon namin, she wants to keep it private and I respect that, and I want also to keep it private. ‘Yung mga detalye, I don’t want to really share. It’s a nice separation from showbiz,” paglalarawan ni Sam.

Sa ngayon ay masyado pa raw maaga upang masabi ng aktor na si Mari na ang kanyang mapapangasawa. “Medyo maaga pa para sabihin ‘yon. Pero sana, but siyempre hindi naman ako papasok sa isang relasyon kung wala akong nakikitang future. Hopefully naman, it’s doing well, I’m very happy,” giit ng aktor.

Angel noon pa pinangarap makasama ang JaDine!

Bukas ay magsisimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang teleseryeng Till I Met You na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Kasama rin sa bagong serye si Angel Aquino na noon pa raw pinapangarap na makatrabaho ang JaDine. “I was so happy. Kasi I know it’s going to be a really big and important project and I really wanted to work with the two. Kasi I was a follower of On the Wings of Love before and I find them so cute and so belie­vably real and loveable. So ‘yun I was hoping for it and I was so surprised that it fell on my lap. I am very grateful to Dreamscape for that,” pagbabahagi ni Angel.

Bukod sa natupad na ang pangarap na makatrabaho ang JaDine ay natupad din ang noon pa hinahangad ng aktres na makarating sa Greece. Maraming mga eksena sa bagong proyekto ang kinunan sa Greece kamakailan at kasama si Angel na nagpunta roon. “It’s one place on top of my list that I really want to see. I think that this show is a dream come true. To work with JaDine, with this wonderful people and it brings you to Greece is such a blessing,” nakangting pahayag ni Angel.

Sobrang malapit sa puso ng aktres ang kanyang karakter sa serye. “She’s successful, she knows how to dress up. She really takes care of herself. So that’s what we want to bring out, medyo edgy fashion and I’m excited about that,” pagtatapos ni Angel.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with